Guro, Nag-viral Matapos Gawing Mala-Disney ang Isang Silid Aralan




Ang ating mga guro ay hindi kalakihan ang sweldo na hindi kagaya ng ibang mga propesyonal. Ngunit, madami sa kanila ang kinakailangang mag labas ng sariling pera mula sa kanilang bulsa kung gusto nilang mapaganda ang kanilang mga classrooms. Malungkot mang isipin, kung hindi man nila pagandahin ang kanilang classroom, ang mang-yayari ay hindi gaganahan mag aral ang kanilang mga estudyante.

Isang guro na nag ngangalang Carlanda Willims ng Ayer Elementary School sa Fresno, California ang nag viral dahil sa napakagandang classroom na kanyang dinisenyo na may temang Disney. Ang lahat ng kanyang inilagay at dinisenyo sa kanyang clasroom ay nang galing mula sa kanyang sariling bulsa.Ang eskwelahang kanyang pinapasukan ay walang budget para sa magarbong pag papaganda ng silid na ginusto ng gurong si Carlanda kaya naman ay nag desisyon ito na irenovate ang silid aralan gamit ang kanyang pera.





Ang desisyong gawing Disney-themed ang classroom ay kanyang pinili dahil gusto niyang bigyan ng magandang silid aralan at "learning experience" ang kanyang mga estudyante. Bukod doon, nais din ni teacher Carlanda na maging masaya ang kanyang mga estudyante habang siya ay nag tuturo. Ang Kindergarten teacher na ito ay kamakailan nag bahagi ng dalawang videos ng kanyang Disney-themed-classroom at pareho itong nag viralmatapos ito ay nai-repost ng iba't ibang website at accounts.

Gamit ang Twitter account ni teacher Williams, nag bahagi siya ng mga highlights ng kanyang silid aralan. Ang kanyang silid aralan ay kinulayan ng asul na mga wallpaper at nilagyan pa ito ng mga hugis na bituin at maraming mga mickey mouse sa dingding. Ang mga print at poster sa dingding ay mahahalatang ginaya sa Disney. Marami ding mga Disney na stuff toys ang nakalagay sa silid.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer