Guro Naging Emosyonal Matapos Siyang Sorpresahin Ng Isang Espesyal Na Regalo Ng Kanyang Mga Mabait Na Estudyante



Di maikukubli na mayroon tayong mga naging guro na talaga namang sobrang napalapit sa ating puso. Kahit na sabihin nilang propesyon o trabaho nila iyon ay sila ang tumayong pangalawang magulang habang tayo ay nasa paaralan kaya naman mayroong mga estudyante na talagang naging close sa kanilang mga teacher. 

Sa laki ng naitutulong ng bawat guro sa kanyang mga estudyante, ay dadalhin ito ng bawat mag-aaral hanggang sa kanyang paglaki.

Isang guro ng Immaculate Heart of Mary School sa San Pedro, Laguna na nakilala bilang si Sir Cezar Punzalan ang sinorpresa ng kanyang klase ng isang napaka-espesyal na regalo. 

Ang kanyang mga estudyante na Grade 12 section Philemon ay nag-ambag ambag ng pera upang maibili ng munting regalo ang kanilang guro bilang pasasalamat sa lahat ng naitulong nito sa kanila. 

Pagkapasok ni Sir Punzalan sa kanyang klase ay inabutan siya ng isang box at sinasabi ng mga bata na buksan niya ito habang masayang naghihiyawan. Noong una ay pinapahulaan pa nila sa kanilang guro kung ano sa tingin niya ang laman nito. At tila wala talaga kaide-ideya ang guro kung bakit siya binigyan ng isang sorpresa.

Habang binubuksan niya ito ay marami ang naantig sa ginawang surpresa ng mga estudyante. Naging emosyonal rin ang guro dahil nakatanggap siya ng bagong sapatos. 

Di naiwasang itanong rin ng guro kung bakit pa sila gumastos para doon ngunit maririnig na sinasabi ng mga estudyante na "dahil love ka namin sir e!"

Maluha-luha naman ang naging reaksyon ng kanilang guro dahil napaka-thoughtful ng kanyang mga estudyante. Maririnig na sinasabi rin ng mga estudyante na maliit lamang ang bagay na iyon kumpara sa laki ng naitulong ng kanilang Sir simula pa noong sila ay nasa Grade 9.

Kaya bago pa man sila magtapos at maka-graduate ng high school ay iyon ang naisip na paraan ng kanyang mga estudyante upang masuklian ang lahat ng naitulong ng guro sa kanila.

Panuorin ang video dito:

Source: FacebookDefinitelyfilipino

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre