Hindi Hadlang ang Kapansanan sa Lalaking Ito na Napakagaling Gumawa ng mga Maliliit na Bahay Alkansya Mula sa Karton!



Image courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa
Ang paggawa at pag disenyo ng miniature na mga bahay tulad ng ginagawa ng ilang mga arkitekto ay isang napakahirap at mabusising gawain. Nangangailangan ito ng masusing pagpa-plano at talento upang matapos ng na-aayon sa gustong disenyo. 


Kaya naman gayun na lang ang pagkamangha ng mga netizens sa mga bahay alkansiyang gawa di umano ng isang lalaking may kapansanan.



Image courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa


Ang balitang ito ay ibinahagi kamakailan lang ng isang concerned netizen na nagngangalang Baby Princess Lila Gamboa sa kaniyang sariling Facebook account. Ayon sa kaniya, ang mga makukulay at iba’t ibang disenyo ng bahay na alkansya ay gawa ng isang lalaki na nakilala bilang si Edgar Lopez Celis.

Image courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa

Hindi man nabanggit sa nasabing post kung ano ang kaniyang kapansanan, kapansin-pansin naman ang payat na pangangatawan nito at medyo baluktot ang kaniyang mga kamay. Nakatira siya sa Purok Don Juan, Brgy. Kenram, Isulan, Sultan Kudarat. 

Image courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa

Image courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa



Ang paggawa niya ng mga bahay na alkansiya ay nag-umpisa bilang isang libangan hanggang sa maraming nakapansin at nagkagusto kaya naman ngayon ay ibinebenta niya na mga ito at naging sariling kabuhayan.


Ayon pa kay Gamboa, ang mga bahay alkansya ay gawa sa pinagdikit-dikit na karton at matibay ang mga ito kaya hindi agad-agad masisira. 

Image Courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa

Image courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa


Nagtatagal ng mula isang lingo hanggang isang buwan ang pagpaplano at paggawa ng nasabing alkansya depende pa sa laki na gusto ng mga kustomer. 


Image Courtesy: Facebook/Baby Princess Lila Gamboa
Si Mang Edgar kasi mismo ang gumagawa ng lahat ng proseso simula sa pag-aayos ng mga karton hanggang sa pagpipintura nito at pagpapatuyo. Mabusisi niyang inaayos ang maliliit na detalye ng bahay kagaya na lamang ng mga bintana, pinto, hagdan at sa katunayan ay mayroon pa itong ilaw sa loob!


Kung nais mong magpagawa ng bahay na alkansya, nagkakahalaga ito ng mula 500 hanggang 3,000 pesos depende sa laki at disenyo na gusto mo. Maaari mo silang ma-contact sa kanilang Facebook account o di kaya naman ay sa contact number mismo ni Mang Edgar na 0935-610-1046 o 0956-335-8152.


Tunay ngang hindi hadlang ang kapansanan upang ipakita sa buong mundo ang iyong talento at kakayahan na kayang makipagsabayan sa mga normal na tao. Saludo kami sa inyo Mang Edgar!

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!