Isang Babae ang Nakaranas ng Komplikasyon sa Madalas na Pagkain ng Sobrang Spicy Foods Kasabay ang Pag-inom ng Milk tea







Marami na nga ang nababalita na isinusugod sa ospital dahil sa pag-inom ng sobrang milktea o pagkain ng sobrang maanghang na pagkain tulad noon nung nauso ang “Spicy Noodle Challenge”. Subalit marami pa ring mga kabataan ang hindi mapahintulot sa paginom ng sobrang milk tea kaya mayroon pa rin iilan na nakakaranas ng ganitong sitwasyon tulad sa nangyari sa isang netizen na ito.

Courtesy: facebook.com/JeffNortezSerrano



Isang Facebook post ang ibinahagi ni Jeff Nortez Serrano tungkol sa kanyang nakakatakot na karanasan matapos siyang dalhin sa ospital dahil sa sobrang pagkonsumo ng maanghang na pagkain kasabay nag pag-inom ng milk tea.

Courtesy: facebook.com/JeffNortezSerrano


Ayon sa kanya, madalas daw siyang kumain ng maanghanag na pagkain at milk tea ang kanyang inumin. Subalit isang gabi ay sumama na raw bigla ang kanyang pakiramdam at dinala ito sa ospital.

“Sunday night, masama na pakiramdam ko pero I ignored it kasi baka pagod lang ako from work. Then Monday morning, mataas na lagnat ko, so paguwi ko ng house nagtake ako ng med para ma-lessen yung hilo ko pero walang nangayri so pahinga lang ulit ako."
Courtesy: facebook.com/JeffNortezSerrano



Nang kinagabihan ay bigla raw sumakit ang kanyang tiyan sa itaas na bahagi pataas sa kanyang dibdib at nahirapan na itong huminga. Akala niya nung una ay nakakaranas ito ng heartburn kaya sinugo siya sa Marikina Valley at dinala sa emergency room.

Courtesy: facebook.com/JeffNortezSerrano

Ayon sa doktor, ang nakapagtrigger pala sa pananakit ng kanyang tiyan ay ang pagkain ng sobrang milktea at spicy food kung saan nagasgas ang lining ng kanyang sikmura.

“Hindi kinaya ng katawan ko ang oral med so I had no choice puro injects ang inabot ko para lang mawala yung pain na nararamdaman ko during that night,” 

Ibinahagi naman niya ito sa social media upang ipagbigay alam sa mga taong madalas kumain at uminom ng milk tea. 

Courtesy: facebook.com/JeffNortezSerrano

“Please, ingatan niyo sarili niyo. Hindi lahat ng masarap pwede sa katawan natin.”

Sana maging lesson ito sa lahat na ang pagkain ng sobra ay masama sa kalusugan kahit na gaano ka pa man healthy. Importante na umiwas sa sobrang pagkonsumo nito at mas mabuting balansehin ang pagkain.

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!