Isang Bata, Kinagiliwan ng mga Netizens Matapos Makita ang Kaniyang Iba't Ibang Hairstyle Papasok ng Eskwelahan




Isang batang babae ang pumapasok sa eskwelahan na may iba't ibang hair styles araw araw ang nag viral sa social media pag katapos ibahAgi ng kanyang guro ang larawan ng kanyang buhok na gawa ng kanyang nakaka tandang kapatid na babae. Isang guro na nag ngangalang Alvin S. Lopez na nag mula sa Bustos, Bulacan ang kumuha ng litrato ng kanyang estudyante pag katapos niyang mamangha kung paano niya naayos ang kanyang buhok na may iba't ibang style araw araw. 

Ayon sa guro, nagsimula noong buwan ng Hunyo ang pag dedesenyo at pag aayos sa buhok ng kanyang estudyante. Ang nakakamaangha pa ay ang kanyang buhok ay laging maayos at napaka malikhain at kailanman ay hindi umulit ang disenyO. Kaya naman na impress ang gurong si Alvin at naisipan kuhanan ng litrato ang buhok ng bata araw araw at ng lumaon ay pinopost niya ang mga litratong ito sa kanyang Facebook account. Maraming mga netizens ang namangha din sa talento ng kung sino man ang gumagawa nito sa bata.





Mayroong mga nag sasabi na marahil ay napaka tagal gawin ng kanyang mga hairstyle araw araw at maraming namangha kung paano gumigising ng maaga ang bata at ang kanyang kapatid para patuyuin, suklayin at ayusin ang kanyang buhok habang tinitiyak na hindi malalate ang kanyang kapatid sa eskwelahan.

Maraming mga netizens ang nag kumento na ang mga ganitong mga hairstyles ay nakikita lamang nila sa mga espesyal na okasyon kagaya ng kasal at mga iba pang engrandeng party. Nagagawang elegante ng kanyang kapatid ang buhok niya sa pag lalagay ng ibat ibang kulay na pangtali ng buhok, ribbon at mga lace bilang mga palamuti at disenyo sa buhok ng kaniyang kapatid. Talagang malikhain ang mga pinoy pagdating sa mga ganitong bagay na kung saan ay mabibilib talaga ang mga iba kung pano ito ginagawa. 



Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class