Isang Guro Nag-viral Dahil Sa Angking Kagandahan Na Mala-Catriona Gray

Napakaraming factors kung bakit karamihan sa mga estudyante ay mas sinisipag pumasok sa klase. Bukod sa dahil nais nilang matuto at makapag-aral, minsan mas sinisipag silang pumasok dahil mabait na at magaling pang magturo ang kanilang guro.

Ngunit para sa mga estudyanteng ito, tila mas lalo silang ginaganahang pumasok sa klase dahil sa kanilang guro na may angking kagandahan. 

Sa social media account ni @artzelbrian ay ibinahagi niya ang larawan ng kanilang class adviser na mala-beauty queen ang kagandahan. Habang nagtuturo ay kinuhaan niya ito ng larawan. 

Sa caption ng estudyante ay ay inilagay niya ang mga salitang: "flex ko lang adviser namin."

Agad naman na nagviral ang post niya dahil marami ang nakapansin na may hawig siya kay Miss Universe Catriona Gray. Nakilala ang guro na si Amalia Lin Cabangbang. 

Ngunit bukod sa pisikal na kagandahan ng guro ay mayroon rin pala itong ginintuang puso. Kamakailan ay sumali siya sa isang proyekto na tumulong sa isang komunidad ng mga bata.

Sa social media account ng guro ay ipinost niya ang caption na:

"Less than a week and our 4x3 Chocolate Dream Cake is back. You can get this for P180 only! All the proceeds will go to the interns of St. Anthony's Boys Village."

Mukhang naging matagumpay naman ang kanilang proyekto dahil sinundan niya ito ng post na:

"I wish to extend my heartfelt gratitute to everyone who bought our goodies! Today we donated 50 pcs of hygiene kits, 20 boxes of vitamins, and 1 sack of rice to St. Anthony Boy's Village."

Samantala, mas marami ang napahanga niya dahil hindi lamang siya maganda kundi mabuti pa ang kanyang kalooban.

Narito naman ang mga paghangang komento ng mga netizens.

"Mala Catriona Gray ang mata."

"Nawala sa isip ko yung salitang absent. Hahaha."

"Ang ganda."

"Talagang mapapasipag ka na lang eh dahil yan inspirasyon mo."

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'