Isang Single Dad Nagsuot Ng Wig At Pambabaeng Blouse Para Lamang Maka-attend Ng Mother's Day Activity Sa Eskwelahan Ng Kanyang Anak



Hindi madali ang maging isang single parent. Bukod sa doble ang iyong pagkayod para maitaguyod ang iyong mga anak ay mayroong ding mga pagkakataon na darating, halimbawa sa eskwelahan ng iyong anak na kakailanganin ang presensya ng isang ina. 

Ngunit dahil ang mga ganitong sitwasyon ay hindi maiiwasan, isang ama ang hinangaan dahil hindi niya pinalagpas ang Mother's Day activity sa eskwelahan kung saan pumapasok ang kanyang anak. 

Ang single parent na ito ay nakilala bilang si Charan "Ran" Chamnuansok na taga Thailand. Hiwalay siya sa kanyang asawa ilang taon na ang nakalilipas. 

Simula noong iniwan na sila ng kanyang asawa ay hindi nakaka-attend sa mga Mother's Day activity ang kanyang mga anak. Kaya naman noong dumating ang araw na ito, ay sinorpresa niya ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagpunta sa school ngunit naka-suot na pambabae. 

Upang makapagbihis na pambabae ay nanghiram pa si Charan ng wig.

"Does anyone have a wig that I can borrow? I need to be a mother for my children.", aniya.

Mayroon naman isang mabuting kapitbahay na nagpahiram sa kanya nito. At ang blouse na kanyang isinuot ay mula pa sa kanyang lola. 

Noong makita siya ng kanyang mga anak sa eskwelahan ay laking tuwa ng mga ito. Hindi na nila pinansin na nakasuot pambabae ang kanilang ama at wala ang kanilang tunay na ina sa mga oras na iyon. Dahil ang mahalaga ay nakapag-attend sila ng isang espesyal na okasyon sa kanilang eskwelahan.

Maraming single parent ang makakarelate na hindi madaling tumayong parehong ama at ina sa kanilang mga anak. Ngunit kung para sa iyong anak ay talaga namang gagawin mo ang lahat maibigay lamang ang kanilang mga pangangailangan. 

Masayang-masaya ang mga anak ni Charan at inalayan pa nila ang kanilang ama ng mga bulaklak upang ipadama paghanga sa ang mga sakripisyong kanyang mga ginawa para sa kanila. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya