Isang Trainee sa Isang Fastfood Chain, Umani ng Positibong Komento Matapos Magsauli ng Naiwang Cellphone




Kasabay ng paglala ng kahirapan sa ating bansa ang pagdami ng mga taong gumagawa ng hindi maganda para lang maibsan ang kumakalam nilang sikmura. Nariyan na nga ang pagnanakaw o di kaya naman ay pananamantala sa kanilang kapwa. Ngunit sa kabila ng mga negatibong bagay na ito, marami parin naman ang mga taong gumagawa ng kabutihan at hindi hinahayaang maging dahilan ang kahirapan para masira ang kanilang pangalan.

Isa na nga dito ang bagong trainee ng isang fast food chain na kamakailan lang ay naging viral sa social media dahil sa pagiging tapat niya sa kaniyang tungkulin.




Hindi na nabanggit pa ang pangalan ng nasabing trainee ngunit ayon sa Crew Dairy Facebook page ay nakapulot di umano ito ng isang cellphone habang naglilinis siya ng mga pinagkainan ng customers. Ang nabanggit na gadget ay isang Huawei P10 cellphone at sa halip na angkinin ay pinili niya itong ibigay sa management upang kapag may naghanap ay maibabalik kaagad. 

Hindi nagtagal ay bumalik ang may-ari ng telepono at nagtanong ito sa management kung mayroon bang crew na nakakita ng kaniyang nawawalang gamit. Matapos ngang mapatunayan na pagmamay-ari ng customer ang Huawei P10 ay agad itong ibinalik sa kaniya.



Masayang-masaya ang customer dahil sa pagiging tapat ng crew ng nasabing fast food chain kaya naman hiniling niyang makita ito para mapasalamatan ng personal. Nag-alok din siya ng pabuya sa ipinakita nitong katapatan ngunit tumanggi ang babaeng crew sa iniabot niyang isang libong piso. Sinabi niyang hindi niya di umano matatangap ang pera dahil parte na ng kaniyang trabaho ang pagsasauli ng mga naiwang gamit ng customer nila.



Napakaraming netizens ang nagpahayag ng kanilang reaksiyon sa viral post na ito at ang ilan pa nga sa kanila ay nagbahagi rin ng sarili nilang karanasan bilang crew sa isang fast food chain. Samantala, sa ilan namang komento ng mga netizens ay kapansin-pansin ang isang babae na nagngangalang Rose Masupil dahil nagpasalamat ito sa admin ng Crew Dairy page at ayon sa naging takbo ng usapan ay siya nga ang babaeng crew na nagsauli ng cellphone sa customer ng Mc Donalds.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda