Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Nag-panggap na mga Performer sa LRT 1




Kilala si Abelardo Dennis Florencio Ho bilang ang actor na si Dennis Trillo. Siya ay kasalukuyan na nagtratrabaho bilang artista sa GMA Network. Siya ay nakilala bilang isang bakla sa pelikulang My Husbands Lover bilang si Eric Del Mundo. Nakakuha siya ng kaniyang kaunaunahang award bilang isang bakla din sa pelikulang Aishite Masu 1941: Mahal Kita. 

Si Jennylyn Anne Pineda Mercado naman ay isang aktres, singer at songwriter. Siya ang kaunaunahang nanalo sa palabas na reality show na pinamagatang Starstruck. Siya din ay bahagi ng GMA Network. Ang dalawa ay naging mag nobyo noong 2011 at naghiwalay din pagkatapos ng isang taon. Nabalitang nagkabalikan naman ang dalawa ng maging magkatrabaho ulit noong 2015 ngunit wala pang kumpirmasyon.





Naging usap-usapan ang ginawang pakulo ng dalawa matapos magpanggap at nagperform sa LRT 1. Hinarana nila ang mga komuters sa pagduduet nila. Naging matagumpay naman sila sa kanilang ginawa at nagbigay ng aliw sa mga manunuod habang nagtatago sa kanilang tunay na pagkatao. Kinanta nila din ang kanilang old single na “Kahit Sandali”.

Dahil sa kanilang ginawa, maraming mga tagapanuod ang nagbigay ng kanilang tulong sa pagaakalang sila ay tunay na mahirap at nangangailangan ng pera. Nang matapos ang kanilang ginawa, laking gulat ng mga komuters ng magtanggal na sila ng kanilang wig at pantakip at dahil dito, muli pa silang kumanta para handugan ang mga komuters ng isang aliw pa. Ayon sa dalawa, ginawa nila ito upang magbigay ng paalala sa mga PWD na nangangailangan din ng tulong ng ibang tao. 

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya