Kilalanin ang mga Celebrities na Nakapag-tapos ng Top sa Kanilang mga Eskwelahan




Busy man ang kanilang daily schedules sa taping, hindi pinalampas ng mga celebrities na ito ang makapagtapos sa kolehiyo at nakakagulat pa ay nakakuha sila ng top sa kanilang mga klase. Kilalanin natin sila dito.


1. Yasmien Kurdi
Nakapagtapos si Yasmien Kurdi ng magna cum laude sa kursong Political Science sa Arellano University.


2. Carla Abellana
Nakapagtapos si Carla Abellana ng cum laude sa De La Salle University na may kursong Psychology. Ayon sa kanyang yearbook, isang consistent Dean's Lister din ang aktres.


3. Giselle Sanchez
Aakalain niyo ba na ang comedienne na si Giselle Sanchez ay nakapagtapos ng magna cum laude sa University of the Philippines sa kursong Broadcast Communications.


4. Shamcey Supsup-Lee
Bago pa niya irepresent ang Pilipinas sa Miss Universe stage, nagtapos ang former beauty queen ng magna cum laude sa kursong Architecture sa University of the Philippines Diliman. Pinarangalan din siya bilang top board examiner sa Philippine Licensure Exam for Architecture noong 2010.


5. Paula Peralejo
Nagtapos ang former actress bilang magna cum laude sa kursong Philosophy with minor in Tourism sa University of the Philippines Diliman. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral, nagtayo si Paula ng kanyang travel agency na Our Restless Feet.


6. Myrtle Sarrosa
Ang actress, host, at cosplayer na si Myrtle ay nagtapos ng cum laude sa University of the Philippines Diliman.


7. Chris Tiu
Kilala si Chris Tiu bilang isa sa magagaling na basketball player sa UAAP. Noong 2008, nagtapos siya bilang cum laude at naging kampeon ang Ateneo Blue Eagles sa UAAP ng parehong taon.


8. Agot Isidro
Nakapagtapos si Agot Isidro ng magna cum laude sa New York Fashion Institute of Technology sa kursong Fashion Buying and Merchandising.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!