Kilalanin ang Panganay na Anak ni Aubrey Miles na Matagal Niyang Itinago Sa Publiko




Si Aubrey Miles ay kilala bilang isang modelo, aktres at singer. Nag-umpisa ang kaniyang karera sa show business noong 1998 at napasali sa sitcom ng GMA na “Beh Bote Nga” noong siya ay labing-anim na taong gulang pa lamang. Kasabay ng pamamayagpag ng kaniyang karera ang kaliwat-kanang mga kontrobersiya na ibinabato sa kaniya. 



Isa na nga dito ang pagkakaroon niya di umano ng anak sa kaniyang dating kasintahan na si JP Obligacion noong siya ay 23-taong gulang pa lamang. Hindi sinangayunan ng aktres ang nasabing balita at pinabulaanan ito sa panayam niya kay Boy Abunda. 


Ngunit makalipas ang ilang taon ay ipinakilala na rin ni Aubrey Miles sa publiko ang anak na si John Maurie Sandel Obligacion nang mag-guest sila sa “Magandang Buhay” kasama si Troy Montero, ang bago niyang kasintahan. 


Ayon sa ilang report, itinago di umano ng aktres ang panganay na anak sa publiko upang proteksyunan ito sa iba pang intriga at upang mapangalagaan din ang kaniyang karera sa show business na siyang pinagkukunan niya ng pantustos sa kaniyang anak. 





“I had to do it na ayoko mag-alaga lang ng anak. I had to do something for my life na kailangan kong pagtrabahunan…ayokong humingi sa nanay ko. I’m sorry if I had to deny it.. I’m so sorry and sana maintindihan ako ng mga tao," pahayag ng aktres sa isang interview. 



Sa kasalukuyan ay malaki na si Maurie at nakita siya ng publiko sa telebisyon nang mag-guest siya at ang ama na si “Troy Montero” sa Father’s Day segment ng Eat Bulaga noong nakaraang buwan ng Hunyo. 



Si Troy na ang tumayong pangalawang ama ni Maurie simula noong siya ay dalawang taong gulang pa lamang kaya naman hindi maikakaila ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na hindi maganda ang kaniyang relasyon sa kaniyang tunay na ama na si JP. 






Sa katunayan ay kasama niya ang dalawang ama sa kaniyang Graduation Day na ginanap sa La Salle Greenhills. 

Si Maurie ay mayroong dalawang kapatid sa amang si Troy Monteroa at sila ay sina Hunter Cody na ipinanganak noong 2008 at Rocket Miller na ipinanganak noong nakaraang taon.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!