Kinaaliwan Ng Mga Netizens Ang Tarpaulin Na Ito Ng Isang Lalaki Na Kakapasa Lang Sa Board Exam


Likas na sa ating mga Pilipino na kapag may kamag-anak o kaibigan tayo na pumapasa sa board exam ay ipinagdiriwang natin ang kanilang tagumpay at minsan pa ay pinapagawan sila ng tarpaulin upang ipaalam sa marami ang tagumpay na kanilang nakamit.

Ngunit sa isang viral post ng bagong lisensyadong beterinaryo na si Brian Gozun, nagulat siya sa sorpresang pa-tarpaulin ng kanyang mga kaibigan.

Ibinahagi ng lalaki noong August 21 ang kanyang mukha na nasa tarpaulin na nakasabit sa isang gate. 


Ayon sa kanyang caption sa kanyang Facebook account,

"Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa inyo! Hahaha! Mga pakana niyo mga lechugas kayo. Sila nga po pala mga brods ang siss ko."

Pinagawan kasi siya ng tarpaulin upang i-congratulate siya. Ngunit kinongratulate siya sa pagregister sa isang promo ng Globe. Dahil imbes kasi na registered veterinarian ang dapat na ilagay sa ilalim ng kanyang pangalan ay "Registered GOSURF50" ang ipinalagay ng kanyang mga kaibigan. 

Marahil hindi makakarelate ang ilan, ngunit ang GOSURF50 ay isang  call, text at data promo sa Globe network. Kailangan kasi itong i-register upang ma-avail mo ang nasabing promo. 

Sa katunayan, nahirapan raw siyang ipaliwanag sa kanyang mga kamag-anak kung bakit ganoon ang nakasulat sa kanyang tarpaulin. 

Wika niya sa kanyang isang separate post na, "Nahihirapan ako mag-explain sa mga tita at tito at magulang ko kung ano iyong GOSURF50. Basta pumasa po ako sa boards iyon na iyon."

Kahit na parang joke o prank lamang ang sorpresang pa tarpaulin sa kanya ng kanyang mga malalapit na kaibigan ay tiyak naman na proud na proud sila kay Brian dahil isa na siyang registered veterinarian. 

Samantala, marami namang mga netizen ang natuwa at bumati sa kanya ng congratulations sa kanyang bagong nakamit na tagumpay. At mayroon ding mga netizens na napaisip na gawin rin nila ito sa kanilang kaibigan. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!