Konduktor Ng Bus Nagmala-Spiderman Dahil Sobrang Daming Sakay Na Pasahero


Sa dami na ng tao ngayon na nagco-commute araw-araw, hindi na nakakapagtaka kung bakit ang mga pampublikong sasakyan tulad ng mga tren, jeep at bus ay madaling mapuno. Kadalasan dahil sa kahirapang sumakay ay tinitiis na lamang ng mga pasahero ang siksikan at kahit na sila ay nakatayo  na habang umaandar ang sinasakyan. 

Ngunit ang isang konduktor ng bus na ito ay talaga namang tiniis ang pagsabit-sabit sa kisame ng isang bus para lamang maisakay ang kanilang mga pasahero. 

Sa isang post na ibinahagi ng netizen na si Rene Rivera, nakuhanan niya ng larawan ang nasabing konduktor na kung saan nagmala-spiderman ang lalaki habang nangongolekta ng mga pamasahe ng mga pasahero. 

Sa kanyang post ay ibinahagi ang caption na:

"Ganito na pala uso ngayon condoctor ng bus habang naniningil dahil sa dami ng pasahero. #spiderman"

Makikita na ang loob ng bus ay puno na ng mga pasahero at ang iba sa mga ito ay nakatayo na lamang. Dahil sa sobrang siksikan ng mga tao ay wala ng madadaanan ang konduktor sa aisle ng bus kaya naman imbes na makisiksik pa siya ay sa kisame na lamang siya dumaan habang ang kanyang mga paa ay nakatapak lamang sa mga handrails.

Kung tutuosin ay mapanganib ang kanyang ginawa dahil isang preno lamang ng driver ay maaari siyang mahulog sa mga tao. Ngunit dahil wala siyang choice ay ginawa na lamang niya ito upang masingil lamang ang kanilang mga pasahero. 

Samantala, narito naman ang mga naging komento ng mga netizens tungkol dito.

"Real life spiderman."

"Hirap kumita ng pera para sa pamilya gagawin lahat."

"Dapat naman kasi talaga hindi punuan ang bus. Kung magpapasakay ng tayuan dapat isang lane lang sa gitna. Ang girap tuloy bumaba. Dapat may limit lang din yung passenger sa bus."

"Pag namawis kamay niyan laglag yan."

"Hindi tama yan, delikado pa yan."

Maraming netizens rin naman ang nabahala sa ginawa ng lalaki dahil maaari hindi lamang siya ang masakyan kapag siya ay nalaglag dahil pwede rin niyang mabagsakan ang mga pasaherong nasa kanyang ilalim. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya