Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa




Maraming mga mag kakarelasyon ang kinakailangang mag tiis sa long distance relationship dahil sa kanilang mga trabaho. Nakakalungkot man, maraming mga mag kakarelasyon ang nag hihiwalay dahil din sa third party at ang iba naman ay nahuhuli ang kanilang boyfriend/girlfriend na nangangaliwa sa harap mismo ng kanilang mga mata. Katulad ng lalaki na ito na mula China ang kinailangang lumakbay ng dalawang libo at apat na raang kilometro para surpresahin ang kanyang girlfriend para sa isang espesyal na okasyon. 

Gusto nito na bigyan ng isang magandang surpresa ang kaniyang nobya at dahil dito, bumili at sinuot niya ang teddy bear na mascot upang sorpresahin ang kanyang nobya sa kanyang pinag tatrabahuhan. Sinabi naman ng kanyang nobya kung nasan siya noong panahon na iyon ngunit walang ideya ang kanyang nobyo na may kasamang ibang lalaki ang kanyang nobya. Hindi rin inasahan ng kanyang nobya na nasa siyudad ang kanyang nobyo, kaya sinabi niya ang kanyang eksaktong lokasyon.






Nahanap ng lalaki ang kanyang nobya. Ngunit sa halip na ma sorpresa ang kanyang nobya, siya ang sinurpresa ng kanyang nobya. Nakita ng lalaki na may kasamang iba ang kanyang nobya. Nakita niyang may yumayakap sa kanyang nobya habang bumibili sila sa isang food stall sa mall. Kitang kita naman sa kanilang galaw na mayroon silang relasyon. Nung nakuha na ng lalaki ang atensyon ng kanyang nobya, ay tinangal niya ang ulo ng mascot ng kanyang teddy bear costume habang pinapanuod ang kanyang na nobya. 

Dali dali namang binalik ng lalaki ang ulo ng costume at tumakbo sa mall habang hinahabol sya ng kanyang nobya. Humingi ng tawad ang kanyang nobya at niyakap ang kanyang boyfriend ngunit hindi naman niyakap ng lalaki ang kanyang nobya dahil sa kanyang ginawa. Hindi naman alam kung pinatawad niya ang kanyang nobya. Nakakasakit talaga ang mga ganitong pang yayari. Dahil sa pangangaliwa, mayroong mga ganitong relasyon ang nasira.

Comments

Post a comment

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong 'Honesty Test' Sa Kanya

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation