Lalaki, Pumukaw sa Puso ng Mga Netizens at Nagsilbing Inspirasyon Dahil sa Kakaibang Talento Nito




Marahil marami sa atin ang nagrereklamo dahil sa sobrang kahirapan ng buhay. Pero marahil hindi rin natin alam na may mga taong mas maraming kahirapan na dinaranas kaysa sa atin. Lalo na sa panahon ngayon ay laganap na ang mga makabagong gadgets at teknolohiya na tila ba ay minsan para na tayong lampa sa kakaasa at pagdedepende natin sa mga ganitong bagay.

Marami din sa atin ang hindi nakukuntento sa kung anong meron tayo at dahil ditto marami ang nagpapaayos ng kanilang mga katawan upang gumanda ang kanilang mga tingin sa mata ng ibang tao. Pero may mga tao pa rin naman ang hangad lamang ay magkaroon ng kumpletong katawan. Gaya ng isang lalaki na ito na bagamat hindi kumpleto ang kaniyang katawan ay hindi niya ito hinayaan maging hadlang upang hindi niya maipamalas ang kaniyang talento. Mula pa siya sa Dumaguete City at talaga naman kahangahanga ang kaniyang personalidad.





Dahil ditto, nagtrending siya sa social media at pumukaw sa puso ng mga netizens. Wala siyang kamay pero nakakagawa siya ng mga miniatures gaya ng mga pambublikong sasakyan na trike at truck. Ayon sa kaniya, natuto siya mula sa may ari ng kaniyang pinagtratrabahuan. Kahit na maliit ang kaniyang gawa ay detalyado ito. Ang mga produkto na gawa niya mismo ay maaring mabili sa halagang 500 hanggang 1800 pesos. Makikita naman ang pwesto na kaniyang pinagtratrabahuan sa ikalawang palapag ng Robinsons Dumaguete at may pangalan na Art Workshop of Susan Canoy. 

Isa lamang halimbawa si kuya na hindi natin dapat gawing rason an gating kakulangan upang hindi magtagumpay sa buhay. Bagkus, maaring gawin natin itong inspirasyon upang mas lalong magsikap at magpursige tayo sa pagpapamalas ng ating mga talento at kakayahan. Maging inspirasyon nawa si kuya upang hindi tayo kalianman mawalan ng pag asa sa ating mga dinaranasan sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!