Lalaking Tagapangalaga ng Kambing, Nagtapos Bilang Top ng Klase sa Isang Unibersidad sa UK




Maraming tao sa mundo ang nag bibigay inspirasyon sa ibang tao dahil napag tagumpayan nila ang mga hamon sa buhay upang maabot ang kanilang mga pangarap. Isang binatang magsasaka mula Malaysia ang nag viral noong nakapag tapos siya ng pag aaral at naging top sa kanyang klase sa isang unibersidad sa United Kingdom. Ang kanyang pangalan ay Mohammad Afiq Ismail at lumaki sa Kelantan sa bansang Malaysia. Tumutulong siya sa pag papalaki ng mga kambing at tumutulong sa bukirin habang ang kanyang ina any nag bebenta ng mga tela sa kanilang baranggay. 

Alam ng kanyang ina na matutulungan ang kanyang anak na mag karoon ng magandang buhay kapag nakapag tapos ito ng kanyang pag aaral. Tiniyak ng kanyang mga magulang na sina Ismail bin Abas at Norma binti Abdullah na makapag aral ang kanilang anak. Noong nag aaral siya, may mga nabagsak na subject si Ismail at kinailangan niyang mag hanap ng ibang eskwelahan na tatanggap sa kanya. Sa kanyang bagong eskwelahan, nadiskubre ni Ismail na magaling siya sa Mathematics pag katapos niyang dumalo sa isang Accounting class.





Dahil alam niyang magaling siya sa Math, ginawa niya itong motivation upang mas lalo pang ipag pursigi ang kanyang pag aaral. Dahil dito, nakatanggap siya ng matataas na grado sa kanyang mga subjects. Pagkatapos niyang mag aral ng High school, nabigyan ng pag kakataon si Ismail na maging iskolar ng Public Service Department para makapag aral ng Accounting sa University of Essex sa bansang United Kingdom. 

Mula sa pagiging isang magsasaka sa Malaysia, sino ang mag aakala na makakapag aral si Ismail sa isa sa pinaka magandang eskwelahan sa buong mundo. Kaya naman sobrang saya ng kanyang mga magulang at pinag malaki pa ang kanyang nakamit sa kanilang baranggay. Hindi naging madali ang buhay ni ismail sa United Kingdom, ngunit matataas ang kanyang mga grado. Sino ba ang mag aakala na ang isang magsasaka ay makakapag tapos ng kanyang pag aaral. Pinag sabay ni Ismail ang kanyang pag aaral at trabaho. Nag trabaho siya bilang isang cleaner sa kanyang eskwelahan upang makabili ng plane ticket papuntang United Kingdom para sa kanyang graduation day.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse