Mag-ingat po Tayo Tulad sa Nangyari sa Aktres na Sophie na Binawian ng Buhay Matapos Ma-diagnosed ng Dengue!




Marami ang natakot nang malaman nila ang isang batang aktres na si Nina Sophia Gabrielle “Sophie” Corullo ay sumakabilang buhay noong Sunday, August 18, 2019 dahil sa dengue. Siya ang dating contestant na “Mini Me” sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime”.

Ayon sa report, pumanaw ang 6 year old na bata dahil sa severe dengue at hindi ito inaasahan ng kanyang mga magulang.

Ibinahagi sa Facebook post ng isang kamag-anak ni Sophie na si Madelaine Castro kung paano nangyare ang lahat para mapagbigay ng awareness sa lahat ng tao tungkol sa dengue.

Kwento ni Madeline, noong una ay nagkaroon lamang daw ng sinat ang bata at binigyan ito ng paracetamol para bumaba ang lagnat. Subalit madalas daw siyang magcomplain na ito ay nakakaramdam ng pananakit ng ulo at stomach ache subalit ang kaniyang pamilya ay inakala lamang nila na dahil ito sa kanyang tumutubong ngipin.




Noong August 17, napansin na ng kaniyang Ina na tila matamlay ang kanyang anak at halos ayaw nitong kumain. Hindi naman raw ganito si Sophie dahil masigla daw ito at madaldal. Kaya dinala nila agad ito sa ospital upang mapatingin sa doktor at nagulat na lamang sila na may dengue na ito kailangan niyang makasurvive for the next 48 hours dahil sa Findings ng doktor ay ruptured na pala ang internal organs ni Sophie, mabagal na rin daw ang pulso niya kung saan zero blood pressure na siya at severly dehyrdated na ito. 

Sa katunayan, ang kapatid ni Sophie ay nakaconfine ngayon sa ospital dahil na-diagnosed din ito ng dengue at mas naagapan dahil sa nangyari kay Sophie.


Ibinahagi din ni Madeline, na siya noon ay nakasurvive ng dengue ng dalawang beses through blood transfusion subalit para sa kondisyon ni Sophie hindi na raw advisable ang blood transfusion dahil halos nagputukan na ang mga veins ng bata.

“It was so sudden. None of us saw it coming. I’m posting this because as a mother too ayaw naming maranasan pa ng iba yung sakit na mawalan ng anak. Dahil sa nag-umpisa sa simpleng lagnat.”


Kaya payo ni Madelaine na huwag basta balewalain ang simpleng lagnat at pananakit ng ulo o ano mang parte ng katawan dahil baka ito ay dengue fever na. 

“Sa local gov’t namin, sana pagtuunan niyo ng pansin yung Cembo. Malaki yung posibilidad na dun nakuha ng magkakapatid yung sakit na to. Sayang na bata. Napakaganda, malambing at mabait”




Sa katunayan, ang huling hiling daw ni Sophie sa kaniyang last paycheck ay gamitin na lamang daw para sa pag-aaral ng kaniyang kapatid na babae. 


Wala na ngang mas sasakit pa sa ganitong sitwasyon. Ang isang napakabibong at napakagandang bata ay agad lang binawian ng buhay dahil sa isang kagat lamang ng lamok. Sana maging aware na po tayo ngayon na wag basta hahayaan na makagamat ang inyong sarili ng lamok. Hindi po natin masasabi kung ang kakagat sa atin ay may dalang virus. Mas mag-ingat po tayo at sana maaksyunan ng ating mga awtoridad upang masearch at destroy nila ang mga breeding places na may mga lamok.

Paalam, Sophie! Ikaw na ang baby angel ng iyong kapatid at mga magulang!

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!