Naalala Niyo Pa Sila? Narito Kung Ano na ang Nangyari sa Ilang Miyembro ng Teen Show na TGIS Noon!




Ang ibig sabihin ng TGIS ay “Thank God It’s Sabado” at alam na alam ito ng mga batang 90’s dahil isa ito sa mga sikat na teen show noon. Kinabibilingan ng labing-apat na miyembro ang unang batch ng nasabing programa at ang ilan sa mga ito ay nananatili paring artista hanggang ngayon kagaya na lamang nina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon at Bobby Andrews. Samantala ang ilan sa kanila ay piniling lisanin ang mundo ng show business at magkaroon ng iba’t ibang propesyon sa buhay. 

Tunghayan natin ang naging buhay ng ilan sa kanila matapos talikuran ang pagiging artista. 

1. Raven Villanueva 




Gumaganap siya bilang si Cris sa nasabing teen show at hindi gaanong nagtagal sa kaniyang propesyon bilang artista dahil pinili nitong manirahan sa Ameika. 

2. Chubi del Rosario 


Gumaganap siya bilang si Reyster at hindi man ito nakikita sa telebisyon bilang artista ay nagpapasaya parin naman siya ng mga tao sa pamamagitan ng kaniyang piniling negosyo. May-ari na siya ngayon ng isang event planning company at minsan ay makikita ring performer at host sa ilang events. 

3. Dino Guevarra 



Siya ang gumaganap sa papel na David at naging asawa pa ang kaniyang katambal na si Kim delos Santos ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang salawang anak sa bagong asawa na si Karen Gabriel. 

4. Kim delos Santos 


Gumaganap siya bilang si Tere Gonzaga sa show na T.G.I.S . Maganda man ang takbo ng kaniyang karera sa show business ay pinili nitong lumuwas ng bansa at magtrabaho sa Amerika kung saan siya ay isa ng registered nurse. 

5. Red Sternberg 


Gumaganap siya bilang si Kiko sa teen show at isa sa talaga namang kinakikiligan ng mga kababaihan noong taong 90’s dahil sa kaniyang pagiging tisoy at gandang lalaki. Gayunpaman, hindi nagtagal sa mundo ng show business si Red at bumalik din ng Amerika upang doon na manirahan kasama ang kaniyang pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!