Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!




Mula sa mahirap na pamilya na mayroong pitong kapatid na nakatira sa squatter’s area, tila madilim ang hinahangad na pangarap ni Astrid Tuminez dahil sa kalagayan niya at ng kanyang pamilya. Kahit sa murang edad, mulat siya sa katotohanan na siya at ang kanyang pamilya ay mahirap dahil wala silang makain sa pang araw araw. Sino ba naman ang mag aakala na magiging maliwanag ang kanyang pangarap ng dahil siya ay naging unang babaeng presidente ng isang unibersidad sa Amerika.

Maaring mag patuloy si Astrid sa siklo ng kahirapan at pag tira sa squatter kung hindi dahil sa tulong ng mababait na katolikong madre na humikayat sa kanilang magkakapatid at pinag aral sila sa eskwelahan. Siya ay limang taong gulang pa lamang noong may pumuntang mga madre sa kanilang bahay at inalok silang makapag aral para mag karoon ng magandang buhay.





Noong siya ay limang taong gulang pa lamang at hindi pa niya alam na ito ang magiging ticket niya paalis sa kahirapan. Palagi siyang nasasabik makapasok sa eskwelahan para may matutunan. Tuwing recess ay nagpupunta siya sa library upang mag basa ng madaming libro. Pagkatapos niya ng elementarya, ipinadala si Astrid ng mga madre sa Maynila upang makapag aral sa Union High School. Noong 1982, nabigyan siya ng pag kakataon na makapag aral sa Amerika. Nakapag tapos siya ng Master's Degree sa kursong Soviet Studies sa Harvard University. At pagkatapos ay nag aral naman ito ng PhD ng kursong Political Science and Government sa Massachusetts Institute of Technology.

Mula sa mahirap na pamilya sa Pilipinas, sinong mag iisip na si Astrid ay magiging Dr. Astrid Tuminez at mahahalal bilang kauna unahang babaeng presidenta ng Utah Valley University sa Amerika. Bukod sa pagiging presidente ng university, isa ding regional director for corporate, external and legal affairs sa Microsoft Southeast Asia si Dr. Astrid. Siya din ay isang propesor sa National University of Singapore, Lee Kuwan Yew School of Public Policy. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!