Rufa Mae Quinto Ibinahagi Ang Tunay Na Dahilan Ng Pangongolekta Ng Mamahaling Sapatos



Likas na sa mga artista ang maging fashionable. Pero hindi naman lahat ng artista ay nagsimulang mayaman o may pera na agad. Mayroong mga aktor at aktres na bago pa man nakapasok sa mundo ng showbiz ay naranasan muna nila ang hirap ng buhay. 

Katulad na lamang ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto. Ibinahagi ng aktres ang kanyang tatlong dahilan kung bakit labis na lamang ang pangongolekta niya ng mga mamahaling mga sapatos. 

Naging trending ang kanyang post ng ipakita niya sa isang larawan ang kanyang mga iba't ibang mga sapatos. At ibinahagi niya ang tatlong dahilan kung bakit nagkaroon siya ng maraming sapatos.

Ayon kay Rufa, ang unang dahilan niya ay dahil noong siya ay bata pa raw ay mayroon lamang siyang isang pares ng sapatos. At minsan ay nabubutas pa ito dahil madali itong mapudpod dahil naglalakad lang siya noon papasok sa eskwela.

"Wala akong sapatos noong bata ako hanggang 15 years old."

Kapag papasok raw siya noon sa eskwela ay palaging butas ang kanyang swelas dahil lakad lang siya ng lakad araw-araw dahil wala siyang pamasahe.

Ang pangalawa niyang rason ay talagang nag-iinvest siya sa mga mamahaling sapatos dahil matibay ang kalidad ng mga ito. Bilang isang performer ay kailangan niya rin ito lalo na pa't lumalabas siya sa iba't ibang mga shows.

At ang pangatlo niyang rason kaya dumarami ang kanyang koleksyon ay dahil regalo niya ito sa kanyang sarili. Dahil sa kanyang hardwork sa pagtatrabaho ay kailangan niya ring bigyan ng gantimpala ang kanyang sarili. Ginagawa niya ito tuwing magkakaroon siya ng bagong proyekto. Sinisigurado niyang bumibili siya ng isang pares ng sapatos.

Ayon sa kanya, nagagamit naman niya ang mga ito sa kanyang trabaho bilang isang performer at artista.

Hinangaan naman ang pagpupursigi ng aktres sa kanyang pagtatrabaho upang mabili ang mga bagay na wala siya noong siya ay bata pa. 

Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap