Siya ang Nakakatandang Kapatid Ni Andrea Brillantes na Kamukhang-Kamukha Niya!






Kontrabida man sa kaniyang ginagampanang role sa sikat na palabas tuwing hapon na “Kadenang Ginto” ay mahal na mahal parin ng publiko si Marga o Annedrew Blythe Daguio Gorostiza (Andrea Brillantes) sa totoong buhay. Kinagigiliwan rin siya ng mga netizens dahil sa talento niya sa paggawa ng mga Tik-Tok videos. Maliban dito ay mayroon din siyang sariling YouTube account kung saan nagbabahagi siya ng ilan sa kaniyang mga ginagawa habang nasa likod ng camera.



Una siyang nakilala sa mundo ng show business nang mapabilang sa pambatang show na “Goin’ Bulilit” noong siya ay 15 taong gulang pa lamang. Dahil dito ay maraming oportunidad ang nagbukas para sa kaniya kagaya na lamang ng pagbida sa palabas na “Annaliza” noong 2013 at iba pang palabas hanggang sa kasalukuyan.

Kapansin-pansin ang pagyabong ng ganda ni Andrea lalong-lalo ng ng kaniyang makakapal na kilay at magandang mata na siyang kinaiingitan ng ilan. Sabi nga nila ay kakaiba talaga ang ganda ng batang ito, ngunit alam niyo ba na mayroong nakakatandang kapatid si Andrea na kamukhang-kamukha niya?



Siya ay walang iba kundi si Kayla Aan at makikita sa kaniyang Instagram account na kagaya ni Andrea ay mayroon din siyang makapal na kilay, mala-chinitang mata at kissable lips. Mahilig din siyang pomorma na parang isang artista at mayroong balingkinitang pangangatawan. 



Kamakailan lang ay nagtapos siya ng kolehiyo sa San Beda at kitang-kita rin sa ilang larawan na kaniyang ibinahagi sa social media na madalas siyang nananalo sa mga sinasalihang kompetisyon sa kanilang paaralan.




Hindi man pinasok ni Kayla ang show business ay mayroon din siyang sariling fans na patuloy na sumusubaybay sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng kaniyang social media accounts. Sa katunayan ay mayroon na siyang humigi’t kumulang sa 134,000 followers sa Instagram.


Samantala, sa Instagram account naman ni Andrea ay kapansin-pansin ang pagiging malapit niya kay Kayla kaya naman mas lalo silang napapagkamalang kambal ng ilan sa mga netizens. 

Ikaw ano sa palagay mo, magkamukha nga ba talaga sina Kayla at Andrea?



source: instagram/aangorostiza/

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!