Tatay na Sumali sa Wowowin, Nangongolekta Lamang Ito ng Butil ng Bigas Para may Makain na Siyang Ikinalungkot ng mga Manonood




Ang Wowowin ay isa sa mga sikat na game show sa ating bansa na siyang madalas namimigay ng mga papremyo sa pamamagitan ng mga nakakatuwang palaro. Sinasalihan ito ng ating mga kababayan na naghahangad na makaranas ng kahit kaunting ginhawa sa buhay o di kaya naman ay umaasa na baka swertehin sila at makamit ang grand price ng programa na isang milyon, house and lot at isang brand new na kotse. 

Sa tagal nga ng programa ay iba’t ibang kwento na ng kahirapan ang ating natunghayan kagaya na lamang ng mga magulang na handang magsakripisyo sa ibang bansa para lang mabigyan ng maganda kinabukasan ang kanilang pamilya o di kaya naman ay mga indibidwal na patuloy na lumalaban sa kahirapan kahit na may kapansanan o mabigat na pasanin sa buhay. 

Kamakailan lang ay nadurog muli ang puso ng mga nanonood programa nang isang matandang contestant ang nagbahagi ng kaniyang kahirapan at malungkot na buhay. 


Nakilala siya bilang si Tatay Lito at ayon sa kaniyang kwento ay mag-isa nalang siya sa buhay. Pumanaw na ang kaniyang asawa dahil sa sakit na leukemia at hindi rin sila nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng supling na maari sanang umaalalay at tumutulong sa kaniyang pagtanda. 




Halos uugod-ugod na si Tatay Lito ngunit kapansin-pansin ang kaniyang kasiyahan nang makita niya sa personal ang idolong si Willie Revillame, ang host ng naturang game show.
 

Ayon sa panayam sa kaniya ni Willie, nakakakain si Tatay Lito sa pamamagitan ng masugid na pangongolekta ng butil ng bigas sa kanilang palengke araw-araw. Iniipon niya ang mga ito upang mayroon siyang maisaing. Isinama siya ng mga tao ng kanilang lugar sa studio ng Wowowin upang matupad ang kaniyang pangarap na makita ang idolo at sa pag-asang kahit papaano ay magkaroon ng ginhawa ang kaniyang malungkot na buhay. 




Hindi nga nabigo si Tatay Lito dahil maliban sa ligayang naramdaman nang makita ang kaniyang idolo ay nakatanggap din siya ng jaket, telepono at pera na maari niyang gamitin para sa pagbili ng pangaraw-araw na pagkain. 


Saludo kami sa inyo Tatay Lito! Salamat sa pagpapaalala sa amin na maging mapagpasalamat sa kung anong meron kami sa kasalukuyan.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!