Viral Ang Kasalan Na Ito Sa Benguet Dahil Imbes Na Bulaklak Ang Disenyo Ay Mga Fresh Na Gulay



Sa mga kasalan ay naging tradisyun na ang maglagay ng mga disenyong bulaklak sa altar. Kadalasan pa nga ay nagrerenta pa ang magpapakasal ng florist nila upang mapaganda lang ang venue at reception ng kanilang pinakahihintay na araw. 

Pero kung iisipin, pagkatapos ng importanteng event na ito ay hindi na mapapakinabangan ang mga bulaklak na ginamit. Maliban na lang kung dinonate ito sa simbahan upang maging display. 

Pero ang isang couple na ito ay nakaisip ng magandang ideya para hindi mapagastos sa napakamahal na presyo ng mga bulaklak sa kanilang kasal. 

Naganap ang kasalan sa Benguet nitong nakaraang Hulyo 2019. Ang bagong mag-asawa na sina Claver at Fleann Molot ay nagpalitan ng vows sa simbahan ng San Jose Parish Church sa La Trinidad, Benguet. 

Pero ang nakakapanibago sa naganap na kasalan kaya rin ito nagviral sa social media ay imbes na mga bulaklak ang nakaayos at nakadisenyo sa altar ay mga iba't ibang mga gulay tulad ng repolyo, Chinese petchay, cauliflower at brocolli.

Hindi naman naging pangit ang kinalabasan ng pagkakadisenyo ng mga gulay. Sa katunayan, kung sa malayuan ay hindi mo nga mapapansin na mga gulay pala ang kanilang mga ginamit. 

Ayon sa mag-asawa, ang vegetable decor na kanilang ginamit ay ideya raw ito ng kanilang tiya na sa tingin ay magandang gawing pangdisenyo ang mga naglalakihan at fresh na mga gulay. At magiging tipid pa ito at swak sa kanilang budget kumpara sa pagbili ng mga bulaklak lalo na pa't hanap buhay nila ang nagsasaka ng gulay.

At dahil sumang-ayon na man ang mag-asawa sa ideyang ito kaya nila sinuportahan. 

Marami ring netizens ang na-impress sa disenyong ito dahil napakadalang rin na makakita ng mga gulay na naglalakihan tulad ng mga ginamit nila. 

At higit sa lahat, bukod sa unique at nakatipid na sila sa gastusin ay mapapakinabangan at maiuuwi pa ng kanilang mga bisita ang mga dinisenyong gulay. 

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa