Posts

Showing posts from September, 2019

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Image
Nakakalungkot isipin na mayroon pa ring mga matatanda na imbes na nagpapahinga na lang sana sa bahay ay patuloy pa rin silang kumayod at magtrabaho upang sila ay mabuhay. 
Ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Saharat Yean ang isang matanda na kanyang kinaawan nang makita niya itong nagtitinda kahit na hating gabi.
Habang napadaan ang netizen sa Wat Bua Temple sa Ubon Ratchathan sa Thailand, ay nakapukaw sa kanyang atensyon ang mumunting ilaw sa isang maliit na tindahan malapit sa isang tourist spot. Nang makita niya ang isang matanda na mag-isang nagtitinda ay naisipan ni Saharat na huminto muna upang bumili ng makakakain. 
Sa katunayan, hindi naman talaga siya nagugutom, ngunit talaga lang naging agaw atensyon sa kanya ang kalagayan ng matanda. Lalo na pa't hating gabi na pero hindi pa rin sinasarado ng matanda ang kanyang tindahan kahit na wala nang gaanong turistang namamasyal sa lugar na iyon at sa oras na iyon. 
Bahagi ni Saharat,
"I saw a light of a store th…

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Image

Isa sa pinakamasarap na gawin ay ang kumain ng kumain kaya naman naging patok ang negosyo na may kinalaman dito at kahit saanh sulok nga ay makakakita ka ng mga restaurant o kainan. Maraming tao ang kumakain sa labas ng bahay dahil para sa kanila ay mas mainam ito dahil iwas sa paghahanda ng pagkain at sa mga hugasan. Ngunit maaring magdulot din ng negatibong epekto sa ating katawan ang pagkain sa mga karenderya o di kaya naman ay sa mga fastfood chain at restaurant.

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga balitang na food poison dahil sa pagkain sa isang restaurant o di kaya naman ay mga larawan ng pagkain na may mga insekto pa (paumanhin kung ikaw ay kumakain). 
Kamakailan nga ay isang babae ang napabalitang n(a)matay dahil di umano sa pagkain ng kangkong!

Ayon sa isang Facebook page na D'Provincial Pals, nakitaan di umaano ng linta sa loob ng tiyan ng bata. Dalawang araw na sumak!t ang tiyan ng bata at wala di umano itong ganang kumain kaya gatas na lamang ang pinaiinom sa kanya…

Jinkee Pacquiao, Naisipan Magbenta ng mga Mahal na Bags at Shoes Para Makatulong sa Charity

Image
Pumukaw ng atensyon si Jinkee Pacquiao na asawa ng pambansang kamao at Sen. Na si Manny Pacquaio matapos niyang mag-anunsyo na ibebenta niya ang kanyang mga koleksyong damit mula sa iba't ibang mga designer brands. Kung isa ka sa mga followers ng kanyang instagram account, makikita mo kung gaano ka-mahal ang kanyang mga gamit mula sa kanyang pinopost na mga OOTDs, bags, sapatos, pati na ang kanilang mga travels at properties.
Noong kamakailan lamang, inanunsyo ni Jinkee Pacquiao na siya ay mag hahanda ng kanyang garage sale kung saan ibebenta niya ang mga koleksyon niyang mga designer bags, damit, at mga sapatos. Ang kanyang malilikom na pera ay ibibigay niya sa foundation nilang mag asawa. Ito ay ang "Jinkee and Manny Heart Foundation." Ang charity na ito ay tumutulong na mag bigay ng libreng care para sa mga batang Pilipino. Ang mga designer brands na kanyang ititinda ay ang mga: Jimmy Choo, Christian Louboutin, Yves Saint Laurent. Sinabi pa niya na ang sukat ng kanya…

Batang Babae, Hinangaan Dahil sa Pagbabasa ng Bibliya Sa Kaniyang Libreng Oras sa Eskwelahan

Image
Karaniwan para sa mga mag-aaral na makipag-usap sa kanilang mga kaklase kapag hindi na sila abala sa klase, sa katunayan, marami talaga ang nakikipag-usap sa bawat isa kahit na marami pa silang mga gawain na dapat gawin, tulad ng mga pagkopya mula sa board o gumawa ng isang gawaing pang-upuan. Ngunit ang isang batang babae kamakailan ay naging viral matapos ibinahagi ng kanyang guro ang ilan sa kanyang mga larawan, dahil hinangaan ng guro kung paano siya nanatili sa kanyang upuan at nagbasa ng isang Bibliya habang hinihintay niya na matapos ang pagsubok sa kanyang mga kamag-anak. 
Kinilala ang isang bata na si Freya Donoso, nakuha ng pansin ng batang ito ang kanyang guro na si Lorelie Uyanib Enriquez. Ayon sa kaniyang guro, Nagbibigay ito ng isang pagsusuri sa sumunod na araw pagkatapos nilang mag-aral dahil hindi namin ito natapos noong nakaraang araw. Naglibot siya upang suriin ang mga bata at sa kaniyang pagtataka, nakita niya ang kaniyang estudyante na nagbabasa ng Bibliya. Tinan…

Korean Student, Nagtapos ng Kursong Filipino sa Busan University of Foreign Studies

Image
Dahil sa bilis ng pag sikat ng mga Korean TV shows, pelikula, at mga kanta sa buong Asya, lalo na sa ating bansa, hindi bihira sa maraming mga netizens ang nag hahangad na sana ay nakakapag salita at nakakapag sulat ng Korean language. Sa katunayan, maraming mga Filipino na ang may alam kung paano bigkasin ang ibang mga Korean na mga salita dahil sa kapapa nuod ng mga Kdrama at pag sunod sa mga kilala at sikat na mga Korean artists sa kanilang mga shows. 
Ngunit isang Korean ang nag viral dahil ito ay nakapag tapos ng Bachelor of Arts in Foreign Studies, Major in Filipino! Kaya naman maraming mga netizens ang hindi makapaniwala sa kanyang nakamit. Sa Facebook page ni Jovy M. Peregrino, isang propesor mula sa University of the Philippines (UP), nag share ito ng larawan ni Kim Jeeyoon at binati niya ito dahil natapos niya ang kanyang kurso sa Busan University of Foreign Studies. Walang sidhing kasiyahan ang nadama ng propesor dahil siya ay isa ring Filipino major. 




Namangha din ito na …

Soon-to-be Dad Ginawan Ng Playhouse Ang Kanyang Anak Na Gawa Sa Instant Noodles

Image
Bilang mga first-time parent ay talagang nakaka-excite hintayin ang araw hanggang maisilang ang iyong anak. At sa mga panahong ito ay talagang todong paghahanda ang ginagawa ng mga baguhang mga magulang. 
Katulad na lang ng Chinese soon-to-be dad na ito na taga Jilin, Northeast China na sabik na sabik na sa pagsilang ng kanyang magiging anak. 
At bilang isa sa mga paghahanda ay nakagawa siya ng isang playhouse para sa kanyang magiging anak. Ngunit hindi lang ito basta ordinaryong playhouse kundi gawa ito sa instant noodles.
Ibinahagi ng People's Daily, China sa kanilang Twitter account ang caption na,
"What a talented dad! Mr. Zhang from NE China's Jilin built his unborn child a "dream house" with 2,000 instant noodle. Isn't it both cozy and yummy?"
Ang naturang bahay ay mula sa mga expired na instant noodles na nahingi ni Mr. Zhang sa isang kaibigan na food wholesaler na nag-imbentaryo.
Paliwanag ng lalaki na sinort out ng kanyang kaibigan ang mga nood…

Estudyanteng May Problema Sa Mata Kahit Na Hirap Ay Masipag Pa Rin Pumasok Para Makapag-aral

Image
Maraming mga kabataan ngayon ang nagbubulakbol at hindi sineseryoso ang pag-aaral. Minsan kahit na todo hirap sa pagtatrabaho ang kanilang mga magulang para mapag-aral lang sila ay sinasayang nila ito. Kaya kung iisipin ay talaga namang nakakapanghinayang.
Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Kaya naman maswerte ang mga batang nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. 
Katulad ng 18 taong gulang na Grade 7 student sa T'boli National High School na si Mae Sasutil, kahit na siya ay mayroong c0ngenital eye d!sorder ay masipag pa ring siyang pumapasok sa eskwela at hindi pinapalagpas ang pagkakataon upang siya ay matuto. 
Ibinahagi ng kanyang guro na si Teacher Rhea ang larawan ng estudyante at humihingi ng tulong sa social media. Makikita kasi na tutok na tutok ang mga mata ni Mae sa librong kanyang binabasa. 
Nahihirapan ang estudyante sa pagsusulat at pagbabasa dahil sa kondisyon ng kanyang mga mata. Ngunit kahit na nahihirapan siya ay hindi siya nagrekla…

Nangangailangan ng Bagong Aplikante sa Bansang Japan Bilang Assistant Language Teachers na may Sahod na Mahigit 1.6 Million Pesos Kada Taon

Image


Kamakailan, ibinalita ng gobyerno ng bansang Japan na sila ay tumatanggap ng mga aplikante para sa 2020 Japan Exchange and Teaching Program na kung saan naghahanap ito ng mga Assistant Language Teachers. 
Bukas ang posisyong ito sa lahat na minimithi ang ganitong trabaho basta pasok sila sa sinabing requirements at qualifications. 
Aabot din ng mahigit 4 million yen o mahigit 1.9 milyong piso ang kikitain o sweldo ng aplikante na qualified sa trabahong ito.



Ayon naman sa trabahong haharapin, ang tanging gagawin ng Assistant Language Teacher ay tuturuan niya at gagabayan ang mga Japanese English/Language Teachers kung saan madedestino sila sa mga public o local schools sa Japan. Kung sakali man na natanggap ay ito ang magiging assignment nila sa buong pag-stay nila sa bansa hanggang matapos ang programang ito.
Narito ang ilang assignment at duties bilang Assistant Language Teacher:
-Assisting in the preparation of teaching materials
-Organizing cultural or international exchange programs

Nagulat ang Netizen nang Nalaman Niya na Posibleng Kumita ang Lumpia Vendor na Ito ng Mahigit 20k Kada Linggo!

Image


Karamihan sa atin ay halos araw araw na kumakayod sa trabaho sa opisina subalit halos kakarampot lamang ang kanilang sweldo. Ganito kung gaano kahirap ang buhay ng isang Pilipino sa ating bansa. Kahit magdamag ka mag-trabaho ay hindi ka mabibigyan ng sapat na sweldo sa isang araw. 
Kaya naman marami na ang nag-iisip kung paano sila makakakuha ng extra income sa ibang paraan tulad ng paraan sa pag business o pagtinda ng kung ano-ano lalo na pag nalaman nila kung magkano ang kinikita ng ilang mga vendor o businessman. 


Tulad nalang ng isang kwento ng netizen na ito na gusto nang mag-shift ng career nang malaman niya ang kinikita ng isang lumpia vendor na kaniyang na-interview.
Ayon kay Jomer AraƱasa, ang nagbahagi ng kwento sa Social Media, nadiskubrehan niya sa isang lumpia vendor na kumikitang kabuhayan pala ito sa kaniyang paninda na lumpiang shanghai. 
Madalas daw ma-sold out ang paninda ni Kuya na kung saan 600 pieces na lumpia ang kaniyang ibinebenta araw-araw. 




Ayon kay Jomer, ibinebe…

Grade 1 Student, Inalis sa Listahan ng mga Awardees Dahil Hindi Nabayaran sa Oras ang Eskwelahan

Image
Ang Grade 1 na estudyanteng ito ay tinanggal sa listahan ng mga awardess pagkatapos hindi makabayad ng tuition sa tamang panahon. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga estudyante na may pagpupursigi sa pag aaral ay sila pa ang hindi nakakapag tapos ng pag aaral dahil sa kakulangan sa pera. At yung mga estudyante naman na nang galing sa may kayang pamilya ay sila pa ang hindi sineseryoso ang kanilang pag aaral.
Isang Grade 1 student ang nag viral sa Social Media (Facebook) pagkatapos niyang matanggal sa listahan ng mga awardees dahil sa isang unsettled school payment. Inutusan namang pagsulatin ng school principal ang bata ng isang promisory note at kung hindi ito mababayaran ay tatanggalin siya sa listahan. Alam naman natin na pag nakasama ka sa listahan ay ibig sabihin ay ginawa mo ang makakaya sa school. Ngunit, tama bang tanggalin ang bata dahil hindi ito nakapag bayad.




Sa isang Facebook post ni Clen Limpin, ibinahagi niya ang isang school principal na pinag sulat ang isang…

Hinangaan Ang Isang Matandang Lalaki Na Walang Tirahan Dahil Ginawang Art Gallery Ang Bangketa

Image
Kahanga-hanga talaga ang mga taong likas na sa kanila ang pagiging isang artist. Ngunit hindi lahat ng marunong gumuhit at magpinta ay nagkakaroon ng magandang buhay. 
Minsan ay kung ano lamang ang mga tira-tirang gamit ng iba ay iyon lang ang kanilang ginagamit upang magawa ang kanilang obra maestra. 
Ibinahagi ng netizen na si Matthew Gan ang isang 65 taong gulang na lalaki na nakilala bilang si Edgardo Lam na isang pintor na nakatira lamang sa bangketa sa Ermita, Manila. 
Ayon sa kanya, ang gallery at tirahan ng matanda ay doon lamang sa sidewalk ng street ng Padre Faura sa Ermita. At sa loob ng 20 taon ay pagpinta na ang libangan ng matanda. 
Dumating ang panahon na nagdesisyon siyang i-display ang kanyang mga artworks sa bangketa upang makita ng ibang taong dumaraan. At umaasa siya na sana man lang ay mapansin ito at bilhin upang kahit papaano ay may kita naman siya. 
Bahagi ni Gan na nakapa-limitado lamang ng mga kagamitan na ginagamit ng matanda sa pagpinta dahil wala naman ta…

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Image


Ang buhay natin dito sa mundo ay hindi permanente. May mga batang isinisilang samantalang mayroon din namang namamatay. Mayroong ding mga tao na lumaking mahirap at yumaman samantalang mayroon namang mga mayayaman na naghihirap. Sadyang ganoon na talaga ang buhay umpisa pa lamang. Kaya nga nasasabi ng ilan na, “Ang buhay ay parang gulong minsan nasa itaas ka, minsan naman nasa ibaba ka na”.
Kahit mga artista ay nakakaranas din ng ganitong mga pagbabago sa buhay nila. Narito ang ilan sa kanila na matapos maranasan ang marangyang buhay sa showbiz ay naghihirap na ngayon.
1. BB Gandanghari 

Ipinanganak siya noong ika-4 ng Setyembre 1967 at isa siya sa mga kapatid ni Robin Padilla. Ang tunay niyang pangalan ay Rustom Carino Padilla. Isa siyang artista, modelo at director. Noong 2009 ay naglantad siya sa publiko ng kanyang tunay na pagkatao at nagpalit ng pangalan na BB Gandanghari. Pumunta din siya sa ibang bansa para isagawa ang transgender process. At matapos ito ay napabalitaan ding pumun…

Jimuel Pacquio, Natanggap ang Pinaka unang Luxury Car na Galing kay Manny Pacquaio Bilang Regalo Sakanya

Image


Talaga namang napakaswerte ng mga anak nina Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao dahil buhay mayaman ang mga ito. Mula sa mga mansion sa Pilipinas at sa ibang bansa, hanggang sa kanilang mga properties at mga mamahaling gamit, wala na atang mas sasarap pa sa buhay ng kanilang mga anak.

Subalit kahit na saksakan ng yaman ang Pamilyang Pacquiao, sila ay nananatili pa rin na humble at down to earth sa kanilang kapwa. Sa katunayan, napakarami na nilang natulungan na mga mahihirap dahil madalas silang mag-share ng kanilang blessings. Naranasan na kasi ni Manny ang buhay mahirap kaya hanggat kaya niyang tumulong ay inaabot niya lagi ang kaniyang kamay sa mga taong nangangailangan kaya naman mahal na mahal siya ng taong bayan.

Subalit alam niyo ba na kahit napakayaman na ng pamilyang Pacquiao ay marunong pa rin mag appreciate ng mga bagay bagay ang kanilang mga anak. Tulad nalang nang surpresahin ni Manny ang kaniyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao ng isang regalo.



Sa pamamagitan ng isang …