5 Years Old na Bata, Namili Online ng Worth Php5,000 na Ikinagulat ng Kaniyang Ina




Napakamot na lang ng ulo si Cassandra Nichole Alegre ina ng 5 years old na bata matapos maka-order ng 6 na portable aircon at 3 laruang baril ang kanyang anak sa isang sikat na online shopping application. Ayon kay Cassandra Alegre, binigyan niya ng sariling smartphone ang anak subalit di niya inaasahan na magiging bihasa ito sa paggamit ng gadget. Maliban sa games na hilig ng mga bata, mayroon na ring mga application na dinownload sa cellphone ng anak.

Huli na nang makita niya ang mga inorder ng anak dahil for delivery na ang mga ito. Umabot lang naman sa P5,000 ang kabuuang halaga ng binili ng anak. Ikinagulat din ni Cassandra nang makitang marami pang ibang produkto ang nasa "cart" ng anak sa online shopping mobile app, at umabot na sa halos P1 milyon ang halaga ng mga ito.





Pinost ni Cassandra sa Social Media ang nangyari at umani ng iba’t-ibang komento galing sa netizens. May mga natawa at naiyak, may mga nagbahagi ng kanilang diskarte sa pagpapagamit ng gadgets sa anak tulad ng paglalagay ng password sa mga apps ng cellphone at mayroon din mga nakaranas ng parehong karanasan base sa kuwento niya.

Umabot sa 26,000 shares ang post ni Cassandra. Nakarating na rin ito sa mga seller na pinag-orderan ng anak ay nakausap niya na ang mga ito. Pumayag ang mga ito na huwag niya na lang niyang tanggapin ang mga produkto at hindi rin tatanggapin mismo ang kaniyang mga pera dahil cash on delivery naman ang mga ito. Naging pangaral ang kwento na ito na huwag basta basta iwanan ang mga gadgets sa anak dahil may mga bagay na maaring mapindot nila habang ito ay kanilang ginagamit. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!