6,000 Bilang ng Isdang Kumakain ng mga Lamok, Pinakawalan sa mga Kanal sa Pangasinan





Ang dengue ay isa sa mga sakit na nagpapahirap sa ating mga kababayan lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Sa katunayan ay parami na ng parami ang bilang ng mga pasyente sa mga hospital at ayon sa DOH, apektado higit sa lahat ang mga batang mahina ang resistensiya panlaban sa sakit. Ang mga lamok na may dalang dengue ay madalas mangitlog at manirahan sa matubig na lugar kaya naman naging payo ng mga eksperto na panatilihing malinis ang ating kapaligiran at kumain ng wasto upang mapalakas ang ating resistensiya.

Maliban sa panukalang ito ay mayroon pang isang paraan kung papaano mababawasan ang pagdami ng mga lamok at ito ay sa pamamagitan ng mga isda na kumakain ng kiti-kiti o itlog ng lamok.


Oo! Mayroon ngang isda na kumakain ng kiti-kiti at kilala sila sa lokal na pangalang “itar” o di kaya naman ay “kataba” at mayroong scientific name na “Gambusia affinis”. Kamakailan lang ay pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang umabot sa halos 6,000 sa mga ito sa iba’t ibang lugar ng Dagupan City sa Pangasinan. Unang pinakawalan ang mga isda sa Baranggay Pogo Grande sa pangunguna nina Dagupan City Mayor Brian Lim, BFAR Dagupan Chief Westly Rosario kasama ang ilang opisyal na estudyante ng “Manlingkor Ya Kalangwan”.



Ayon sa pagsusuri, ang isang isdang “itar” ay kayang makaubos ng halos kalahating gramo ng itlong ng lamok at malaking tulong ito upang mabawasan ang bilang ng mga lamok bago pa man ito makapinsala. Sa katunayan, ayon sa inilabas na report ng BFAR, bumaba ng halo 32% ang bilang ng mga kaso ng dengue sa kanilang lugar simula ng pakawalan ang mga isda sa lugar samantalang umabot naman ng halos 82 hanggang 83 percent ang pagbaba ng mga naapektuhan ng dengue sa Dagupan City.


“Why wait until the larvae hatched into a mosquito, fly and bite people? Stop them immediately while they’re still in larvae stage," pahayag ni Rosario.



Kung nais mong gumamit ng mga isda para malinis ang mga kanal sa inyong lugar, maari kayong makahingi sa BFAR dahil ito ay libre para na rin sa kapakanan ng lahat. 

Para naman sa inyong karagdagang kaalaman, ang mga isdang “Gambusia affinis” ay unang pinakilala ng Amerika sa ating bansa noong taong 1920 para proteksyunan ang mga sundalo laban sa malaria, na sanhi rin ng kagat ng lamok.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!