75-Years Old na Lolo, Balik Eskwelahan at Nag-Viral Bilang Isa sa mga Political Science Freshman




Sabi nga nila, hindi pa huli ang lahat pagdating sa iyong pangarap dahil walang edad na pinipili ang pagtatagumpay. Ito ay napapatunayan ng halos karamihan sa mga tao lalo na ng mga taong nagtiatiyaga abutin ang kanilang mga pangarap kahit pa man ay retirement age na nila. Kagaya na lamang nitong 75 years old na tatay na ito. 

Isa si Lolo Benjamin sa mga kasalukuyang estudyante ng University of Pangasinan at siya ay isang freshman Political Science Student. Nag-viral si Lolo Benjamin sa social media matapos ibahagi ng kaniyang kaklase ang kaniyang kwento. Ayon kay Christian na siyang nagbahagi ng post, sana daw ay lahat ng kabataan ay gawing inspirasyon si Lolo Benjamin na talaga nagsusumikap at nagpupursigi sa buhay.





Ayon kay Christian isa si lolo Benjamin sa mga estudyanteng nainspire dito at dahil dito mas nagsusumikap din siya sa kaniyang pag-aaral. Ayon pa kay Christian hindi daw natapos agad ni Lolo Benjamin ang kaniyang pag-aaral dahil sa maraming pagsubok nito sa buhay. Kagaya ng karamihan sa mga estudyante sa Pilipinas, naghanap na kaagad ng trabaho si Lolo Benjamin pagkatapos ng high school. Pagkatapos ay nagkapamilya na ito at hindi na kailanpaman nakabalik ng eskwelahan. 

Ngunit ngayon ay nasa langit na ang kaniyang asawa at lahat ng kaniyang anak ay may kaniya kaniyang buhay na kaya naman marami ng oras si Lolo Benjamin gawin ang kaniyang mga pangarap. Ninais niyang bumalik sa eskwelahan. Sa kaniyang edad, karamihan ay paretire na sa trabaho ngunit wala siyang pakialam kung ano ang kaniyang edad. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay makatapos siya at magkaroon ng degree sap ag-aaral. 

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa