Angel Locsin, Hindi Umattend Sa Star Magic Ball Dahil Mas Piniling Idonate Na Lang Ang Pera Kaysa Gumastos Sa Gown


Ang Star Magic Ball ay isa sa mga pinakahihintay na red carpet events sa Pilipinas dahil talagang pinaghahandaan ito ng mga iniidolong artista sa telebisyon. At talaga namang nagniningning ang mga artista sa gabing iyon dahil sa kanilang mga naggagandahang mga kasuotan. 

Ang purpose ng event na iyon ngayon ay upang makapaglikom ng funds para sa Bantay Edukasyon program ng Batay Bata 163.

Maraming artista ang umattend at sinunod ang kanilang tema na modern Filipiana attire. Ngunit napansin naman ng mga fans ang hindi pagsipot ni Angel Locsin sa event na ito lalo na pa't excited sila sa susuotin niya. Kaya naman ang ilan ay nagtaka kung bakit wala siya.

Ibinahagi naman ni Angel sa kanyang social media account ang dahilan kung bakit hindi siya nag-attend ng ball.

"I salute my friends at the ABS-CBN Ball who are doing their share to promote awareness on children's rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves. 

As for me, I decided to do my share in a way that could probably be more of use. I think it would be better for me to donate directyle to Bantay Bata the amount that I'm supposed to spend in the ball. It's not much, but it will help make a difference to someone else's life.

For those who would like to help a child to have a bright future, please donate to Bantay Bata 163."

Ayon sa aktres, ay maaaring kulang-kulang sa P200,000 ang kanyang magagastos para sa gown at make-up kung sakaling umattend siya sa ball. Kaya naman mas minarapat niyang idonate na lang ang buong amount sa Bantay Bata.

Nang malaman ito ng kanyang mga fans ay mas hinangaan ang ginawang kabutihan ng aktres. Ngunit hindi pa ring maiiwasan na mayroong ding mga nadismaya sa hindi niya pagsipot dahil inaabangan rin siya ng mga ito. 

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo