Babae, Ikinasal sa Lalaki na Kahawig ng Kaniyang Dream Guy Drawing Noong Siya ay Bata Pa




Isang babae ang nag-viral pagkatapos ibahagi na ikinasal siya sa lalaki na kamukha ng kaniyang drawing noong siya ay bata pa lamang para sa kaniyang dream guy. Si Ariadne Daluz ay isang guro sa St. Paul College sa Makati ang ikinasal kay Larnille Chua Daluz ngunit nagulat siya ng napansin niyang kamukha ng kaniyang asawa ang kaniyang drawing noong siya ay bata pa lamang para sa kaniyang dream guy noong siya ay grade 6. 

Ayon kay Ariadne, baka soulmate nga ni si Larnille at itinadhana ito para sa kaniya. Ayon kay Ariadne, siya at ang kaniyang kaibigan na si Unis ay sobrang hilig gumawa ng mga drawings noong sila ay nasa elementarya pa lamang. Noong sila ay nasa grade 6, napagkasunduan ng magkaibigan na idrawing ang kanilang dream guy na kahit kailan ay hindi pa nila nakikita sa kanilang buhay. Dali dali naman nilang ginuhit ang kanilang mga dream guy.





Ang dalaw aay naghiwalay at nag-tagpo ulit noong sila ay nakatungtong na sa kolehiyo. Noong debut ni Ariadne, nakita ni Unis ang boyfriend ni Ariadne na si Larnille at naalala ang kanilang mga drinawing noong sila ay bata pa lamang. Sinabi nito kay Ariadne at namangha sila na hawig nga ni Larnille ang imaginary crush noon ni Ariadne. Maaring imaginary crush at hindi pa sila nagkakakilala noong mga panahon na yon. Ngunit sino ba naman ang magaakala na magiging asawa pala ni Ariadne si Larnille na kamukha ng kaniyang drinawing. 

Ayon pa kay Ariadne ang kaniynag mga drawing ay noong taong 2005-2006 at nakilala lamang niya si Larnille noong 2011. At sino ba naman ang mag-aakala na sila ay ikakasal sa isat-isa. Maraming mga netizens ang namangha din sa nangyari sa kanila at marami din ang nagsabi na sisimulan na din nila ang pagdrawdrawing dahil baka magkatotoo din na mahanap nila ang kanilang imaginary crush.

Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap