Dahil sa Hirap ng Buhay, Kape Nalamang ang Ipinapa-Inom sa Sanggol Dahil Hindi na Kayang Bumili pa ng Gatas ng Kaniyang mga Magulang




Maraming Ina ang hindi nabibigyan ng tamang nutrisyon ang kanilang mga anak dahil sa hirap ng buhay at sa taas ng mga bilihin. Kaya naman ang ibang Ina ay napipilitan na bumili na lamang ng pinakamurang gatas o kaya naman ay naghahanap ng alternatibong sa gatas upang maipakain nila sa kanilang sanggol.


Kamakailan, pumukaw sa atensyon ng ilang mga netizens ang kwento ng isang kaawa-awang pamilya na kapos sa buhay dahil magkano lamang ang kanilang kinikita araw-araw.

Ang mag-asawang sina Safiruddin at Anita ay kumakayod buong araw at nakakauwi lamang sila ng 20,000 Indonesian Ruppees o 50-70 Pesos kada araw sa kanilang pinagtatrabahuhan na Coconut Plantation. Dahil sa ganitong klase ng kanilang pamumuhay, imbes na gatas ang ipainom sa kanilang anak ay ibinibili na lamang nila ito ng kape at siyang ipinapainom sa bata. 




Ang klase pa ng kape na kaniyang iniinom ay hindi instant coffee kung hindi ito ay mumurahin na indonesian style coffee lamang kung saan kailangan pa pakuluin ang coffe beans at saka nila ito hahaluan ng asukal. 

Dinadagdagan nila ito ng tubig upang hindi maging mapait sa panlasa ng bata. Wala pa raw nakikitang growth problems o mali sa bata kahit na kape ang kaniyang iniinom simula noong siya ay anim na buwan na sanggol.





Sa kada araw ay nakakalimang tasang kape ang bata kung saan buong magdamag daw itong gising at naglalaro sa gabi dahil na rin siguro sa epekto ng kape sa kaniyang sistema.

Dahil sa ganitong kondisyon, minabuti ng mga opisyales ng Health Agency na puntahan ang pamilyang ito at bigyan ng tulong kagaya na lamang ng gatas at mga biscuit para sa bata.

Samantala, kasalukyang minomonitor ng mga local social welfare officers ang kalagayan ng bata upang matiyak nila na lumaki ito ng walang karamdaman at hindi na muli pang iinom ng kape bilang alternatibong gatas.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class

Pinoy Celebrity stars in their 30's: How They Looked 10 Years Ago