Dalawang Pinay Kumikita ng $15/Hr Dahil Sa Pag-pila Sa Kauna-unahang Jollibee Sa Alberta, Canada


Iba talaga ang impact ng Jollibee hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati maging sa ibang bansa. Dahil marami-rami na rin ang mga Pilipinong nasa ibang bansa tulad ng Canada, tiyak na marami sa kanila ang nakakamiss sa mga pagkain dito sa Pinas. 

Kaya naman noong nagbukas ang kauna-unahang Jollibee sa Alberta, Canada na matatagpuan sa Edmonton ay talagang pinipilahan ito ng mga tao. 

Pero ang dalawang Pinay na ito ay nakaisip ng isang napakagandang business idea na na pinagkakakitaan nila ng $15/hr sa pamamagitan lamang ng pagpila sa nasabing fastfood.

Noong una ay napansin nila Maryelle Gana at Ivana Recinos na talagang pinipilahan ng mga tao ang makabili ng pagkain sa kauna-unahang Jollibee doon. At noon ay pabiro lamang nilang naisip na pwede silang kumita sa pamamagitan lamang ng pagpila para sa mga taong nais makabili.

Saad ni Maryelle,

"I was like... what if we advertised that we'll stand in line for people for Jollibee. Then I thought about it and this sounds like a pretty decent idea."

Akala noon ng kanilang mga kaibigan na nagbibiro lamang siya. Ngunit talagang seryoso sila sa naisip niyang ideyang ito. Kaya naman sinimulan nilang ipost ang kanilang serbisyo sa Facebook Marketplace at china-charge ang mga nais magpapila sa kanila ng $15/hr at kapag gusto ng customer na ideliver ang pagkain ay magdadagdag lang sila ng additional fee na $6.

Nakakagulat naman na mayroong ngang mga tao kumo-kontak sa kanila upang magpa-order. Inamin ng dalawa na dahil sa kanilang ideyang pabiro lamang noon ay nakatulong sa kanila para magkaroon ng extra cash. 

Ayon sa ilan mga customers na nag-avail ng kanilang serbisyo ay gustong-gusto lamang talaga nilang matikman ulit ang pagkaing Pinoy na hatid ng Jollibee. Lalo na ang langhap sarap na chicken joy na talaga namang nami-miss ng mga Pilipinong nasa ibang bansa. 

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit