Dinumog Ng Mga Pasahero Ang Isang Bus At Inaakyat Na Sa Binta Ng Ilan



Bawat araw ay palala na ng palala ang trapiko sa ating bansa. At nagiging problema na rin ang transportasyon, dahil sa dami ng mga bumabyahe at commuters ngayon ay pahirapan na rin ang pagsakay sa mga pampublikong mga sasakyan. 

Katulad na lamang ng isang video na naibahagi ng netizen na si Michelle Yutero sa kanyang Facebook account habang napadaan ang kanyang sinasakyan sa Bicutan sa Taguig City ika-10 ng Setyembre.

Nagulat din ang netizen sa kanyang nakita dahil ang mga pasahero ay talagang nagpupumilit ng makasakay sa isang bus.

Bahagi niya sa kanyang caption,

"Luhhh ano na nangyayare? Kala ko may z0mbie marathon. Kawawa naman yung mga pasahero, baka mag cause pa ng acc!dent. ayy may slex enforcer pala, ayun nagvivideo din."

Sa maikling video ay makikita na mayroong mga barrier sa daan ngunit ang ilang mga pasahero ay nagsipag-akyatan na sa mga harang na ito at doon na nakatambay at sinusubukan nang umakyat ng iba sa binta ng bus para lang makasakay. Makikita rin ang mahabang pila ng mga taong nag-aabang ng masasakyan.

Ngunit wika ng ilang nagkomento na "normal" na daw iyon sa Bicutan at ganoon na ang nangyayari kahit 6:00 pa lang ng umaga. Ang mga bus daw kasi na galing sa Alabang ay puro sa Skyway na halos dumadaan kaya ganito na lamang ang nagiging sitwasyon doon. At tila kakaunti na lamang ang mga bus na dumadaan sa Bicutan at Sucat dahil sa parte pa lang ng Skyway ay napupuno na rin sila. 

Wika ng isang netizen na walang pagbabago dahil ganoon pa rin ang nararanasan ng karamihan ng mga pasahero, ang pahirapan sa pagsakay at pagcommute araw-araw. Ganito rin daw ang scenario pagdating din sa Ayala pag patak ng 5:00 ng hapon. 

Sa dami ng mga tao na lumalabas at pumapasok sa Maynila araw-araw ay isang malaking problema na talaga ang trapik at pagsakay. 

Minsan ay wala na rin itong pinipiling oras mapa-umaga man o gabi. Katulad nito, dahil sa pahirapan sa pagcommute imbes na nakarating ka na sana sa paroroonan mo ay maraming oras na rin ang nasayang sa kakaabang lang ng masasakyan. 

Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap