Estudyante Namangha Sa Nakitang Napadpad Na Owl Sa Kanilang Campus Sa Laguna



Para sa ilan, talagang nakakamangha na makakita ng isang hayop na hindi naman natin araw-araw o palaging nakikita. Katulad na lamang ng isang estudyanteng ito na na-amaze matapos ma-witness ang pagdapo ng isang napadpad na kwago sa kanilang campus.

Ibinahagi ng netizen na si @erhuelgas sa kanyang Twitter account ang larawan ng isang owl na nakadapo sa isang sementong upuan ng kanilang campus sa University of the Philippines sa Los BaƱos, Laguna. 

Saad niya sa kanyang caption, "MAY NAKITA KAMING OWL KANINA SA CAMPUS ASHSKWHSJS WALA SKL (Share ko lang) ANG CUTE NIYA."

Aniya, upang hindi matakot ang hayop ay kinuhaan niya ito ng video sa malayo. Kanya lang zinoom ang video upang makuhanan ito ng letrato. 

Samantala, marami ring netizens ang namangha sa post na ito at kanya-kanya naman ang share at re-tweet nito. 

Isang netizen naman na nakilala bilang si @JDDFLumibao ang nagbigay ng payo sa estudyante na hayaan lamang ang mga hayop na ito ay huwag gagambalain.

"From the looks of it, it's the Luzon Lowland Scops Owl/ Philippine Scops Owl (Otus megalotis). Endemic in Luzon and is the Least Concerned status.

Do keep in mind that when we see these animals, let them be or do not disturb them particularly if they are still juveniles. 

Ibinahagi rin niya ang larawan ng malapitang kuha ng katulad ng owl na nakuha ni @erhuelgas na nakuha raw niya noong sila ay nagkaroon ng field trip sa Mt. Makiling.

"For reference, this is what it looks like up close and personal. I took this photo way back in 2014 during one of our field works on Mt. Makiling. They really are a thing of beauty but if you're not careful, you might get caught on its talons and its sharp beak."

Ang mga hayop tulad ng owl na ito ay dapat nating pangalagaan at huwag silang hulihin. Dahil baka isang araw ay maging endangered na lang ang mga ito. 

Source: Twitter

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre