Estudyanteng Namasukan Dati Bilang Airport Cleaner, Ngayon ay Isa ng Piloto




Alam natin na ang edukasyon ang susi para sa tagumpay, lalo na sa bansang Nigeria. Isang tao ang may determinong tapusin ang kanyang edukasyon sa kolehiyo ngunit napalampas niya ang panahon ng enrollment at nagpasyang maghanap ng trabaho. Gayonpaman kahit hindi nakuha na pagkakataon sa paaralan, sa kabilang banda naman ay nagbukas ng maraming mga pintuan para sa kanya. Higit sa 20 taon na ang nakalilipas, nagtapos si Mohammed Abubakar mula sa high school sa kanyang bayan sa Nigeria. Dahil ang kanyang pamilya ay hindi mayaman, kailangan niyang maghintay hanggang sa magkaroon sila ng sapat na pera upang makapagpalista sa Kaduna Polytechnic, isang eskwelahan sa kanyang bayan.

Nang makaipon na ng pera ang kaniyang mga magulang ay sumakto naman na natapos na ang pagpapaenroll sa kaniyang eskwelahan. Dahil alam niyang hindi niya dapat sayangin ang oras, nagpasya si Abubakar na maghanap ng trabaho habang hinihintay niya na magbukas ang susunod na semestre. Hindi lamang ito ang nagbibigay sa kanya ng isang bagay na gagawin habang naghihintay, ang trabaho din na ito ay malinaw na bibigyan siya ng pera upang matulungan siya makabili ng mga para sa kanyang pangangailangan sa paaralan kapag sa siya ay makakapag-enrol na. Nakahanap si Abubakar ng trabaho bilang cleaner sa airport. Di-nagtagal, nagsimula siyang mangarap na maging isang piloto habang pinapanood niya ang mga lalaki sa paliparan.





Ginawa niya ang kanyang makakaya sa kanyang trabaho at ang kanyang mga superyor ay palagi siyang pinupuri para sa kanyang kahusayan. Mabilis nilang natuklasan na siya ay isang napakatalino na binata at  maaaring dalhin siya ng talino sa mas mataas na antas sa paliparan. Kaya, inalok siya ng pagkakataon na maging bahagi ng cabin crew sa Air Azman. Kinalaunan ay lumipat siya sa Aero Contractors bilang isang flight attendant. Dahil sa napabilib niya ang Deputy Managing Director ng nasabing airline ay binigyan siya ng malaking sweldo.

Lumipas ang ilang buwan ay inalok din ito ng Managing Director na maging isa Piloto dahil sa nakitaan nila ito ng potensyal at kasipagan. Sinunod niya ang payo ng Director at naabot ang kanyang mga pangarap. Pagkalipas ng mga taon, siya ay naging isang buo at ganap ng piloto. Mula sa airport cleaner, si Abubakar ay ngayon ay Kapitan na sa Aero Contractors.  Siya ang patunay na maabot ng lahat ang kanilang mga pangarap, kahit na kasing taas ng kalangitan, kung bibigyan mo lang ng sipag at tiyaga ang lahat ng bagay. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class