Former OFW, Nakatanggap ng Libreng Bahay Mula sa Kaniyang Syrian Employer sa Pilipinas




Nag pakahirap siyang mag trabaho sa Kuwait ng halos dalawang taon at napag desisyunang umuwi sa Pilipinas para maka piling ang kanyang pamilya. At dahil dito, nahanap ni Angel ang kanyang swerte sa kanyang Syrian na employer sa Pilinas na kung saan binigyan siya ng kanyang libreng bahay na walang binabayaran. Sa kanyang vlog, ipinost ng boss ni Angel na si Basel, kilala din bilang "the Hungry Syrian Wanderer", ang surprise birthday party para kay Angel. 

Makalipas ang dalawang araw naman, sinurpresa ni Basel si Angel at binigyan ito ng bahay. Hindi naniwala si Angel at akala niya ay binibiro lamang siya ng kanyang amo. Alam ni Basel ang mga sakripisyo na hinaharap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) katulad ng pag iwan sa kani-kanilang pamilya upang mag trabaho ng ilang taon sa labas ng bansa. Kaya naman naramdaman niya na magiging isang mabuting tulong sa mga Pilipino kapag nakahanap sila ng trabaho at manirahan na lamang sa Pilipinas upang hindi na nila iwan ang kanilang mga pamilya. Sinabi din ni Basel na ang ating bansang Pilipinas ay ang pinaka magandang bansa sa buong mundo at kaya naman naisip niya ring manirahan sa ating bansa ng matagal.





Matagal ng nag tatrabaho si Angel para kay Basel. Kaya naman gustong sorpresahin ni Basel si Angel para sa kanyang kaarawan. Nag tatrabaho si Angel ngayon sa YOLO Bubble Milktea sa 2nd floor ng Naga Road, Pulang Lupa 1, Las Pinas City. Ang business na ito ay pamamay-ari ni Basel. Sa video na nag-viral, makikita na ginugunita ni Basel at iba pang mga nag tatrabaho sa YOLO Milktea shop ang kaarawan ni Angel. Nagulat si Angel sa mga pakulo ng kanyang amo na si Basel at binigyan pa ito ng isang nakakatuwang cake.

ukod sa cake, binilhan din ni Basel ng dalawang bucket ng chicken joy mula sa jollibee at mga lobo pang gayak. Pag katapos, inilawan nila ang birthday cake ni Angel habang kumakanta ng "Happy Birthday" song. Hindi lamang dito nag tatapos ang mga pakulo at surpresa ng kanyang amo na si Basel. Makalipas ng dalawang araw, inutusan ni Basel ang kanyang isa pang assistant na si Ica, na dalhin si Angel sa isasng condo unit. Dahil nangungupahan lamang si Basel, akala ni Angel na gusto lamang ipakita ni Basel ang kanyang bagong condo unit. Inilibot ni Basel si Angel sa condo unit at biniro pa niya itong linisin ang bahay. Noong binibigay na ni Basel ang susi, akala ni Angel ay binibigyan siya ng kanyang amo ng isang sasakyan. Wala talaga siyang alam na ang susing ito pala ay ang susi ng kanyang bagong bahay! Umiyak siya noong napag tanto niyang bahay pala ang binibigay ng kanyang among si Basel!


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!