Ganito Pala ang Trato Bilang Isang Ama ni Raffy Tulfo sa Kanyang Anak na si Maricel!






Isa sa mga kilalang reporter at personalidad sa ating bansa si Raffy Tulfo at madalas natin siyang mapanood sa TV5. Mapapansin na mayroon siyang matapang na personalidad at handang tumulong sa mga tao na dumudulog sa kanyang programa sa telebisyon at sa radio.

May mga pagkakataon man na nakakaharap ni Tulfo ang mga malalaking tao sa larangan ng pagnenegosyo at pulitika ay hindi siya nagpapatinag sa mga ito. Tapat si Raffy sa kanyang trabaho at sa kanyang pagtulong sa kapwa Pilipino na inaapi sa loob at labas ng bansa. Kaya naman marami ang mga humahanga sa kanyang personalidad.

Madalas man na mahusgahan si Raffy dahil sa kanyang ginagawa sa trabaho, ipinagmamalaki naman siya ng kanyang pamilya at higit sa lahat ng kanyang panganay na anak na si Maricel Tulfo.


Simula bata pa lamang ay malapit na sa kanyang ama si Maricel at tinagurian nga siyang ‘Daddy’s girl’. Para sa dalaga ay nakakatuwa ang kanyang ama at nalalapitan niya ito sa lahat ng pagkakataon. Sa katunayan ay nakakusap niya ang ama kahit patungkol man ito sa kanyang personal na buhay at maging sa kanyang ‘love life’.


Sabi pa ng dalaga ay ibang-iba ang personalidad ng kanyang ama kapag nasa labas ito ng trabaho at kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

‘We have a very good relationship. He is my Dad and at the same time, he is my best friend.” Sabi pa ng dalaga sa isang interview.

Hindi mawawala ang pagbabakasyon ng mag-anak sa ibang bansa at ito ang isa sa mga ikinakatuwa ni Maricel. Sa mga panahong ito mas lalong napapalapit ang mga anak ni Tulfo sa kanya. Ngunit hindi padin maiiwasan na magkaroon ng di pagkakaunawan ang mag-ama lalo na noong nagdadalaga si Maricel.


“There was a time when I stopped dating guys because I was afraid if I introduced a guy to my dad he wouldn’t be open to me having a boyfriend," pagsasaad pa ng dalaga. Nasa isip lang pala ito ni Maricel dahil isang araw ay nilapitan siya ng kanyang ama at sinabihan siya na wala namang masama sa pagtanggap ng manliligaw ang mahalaga ay dahil niya ito sa bahay nila para mas makilala ni Tulfo.


“But he came and talked to me out of nowhere and told me that it’s okay with him if I date guys as long as the suitor courts me at home so he would get to know him too.”

Tunay ngang isang ‘cool’ na ama si Raffy. Maliban kay Maricel ay may isa pang anak na lalaki si Tulfo na nagngangalang Ralph Tulfo.

Ano ang masasabi mo sa samahan na meron si Maricel at ang kanyang ama na si Raffy Tulfo?

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!