Grade 1 Student, Inalis sa Listahan ng mga Awardees Dahil Hindi Nabayaran sa Oras ang Eskwelahan




Ang Grade 1 na estudyanteng ito ay tinanggal sa listahan ng mga awardess pagkatapos hindi makabayad ng tuition sa tamang panahon. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga estudyante na may pagpupursigi sa pag aaral ay sila pa ang hindi nakakapag tapos ng pag aaral dahil sa kakulangan sa pera. At yung mga estudyante naman na nang galing sa may kayang pamilya ay sila pa ang hindi sineseryoso ang kanilang pag aaral.

Isang Grade 1 student ang nag viral sa Social Media (Facebook) pagkatapos niyang matanggal sa listahan ng mga awardees dahil sa isang unsettled school payment. Inutusan namang pagsulatin ng school principal ang bata ng isang promisory note at kung hindi ito mababayaran ay tatanggalin siya sa listahan. Alam naman natin na pag nakasama ka sa listahan ay ibig sabihin ay ginawa mo ang makakaya sa school. Ngunit, tama bang tanggalin ang bata dahil hindi ito nakapag bayad.





Sa isang Facebook post ni Clen Limpin, ibinahagi niya ang isang school principal na pinag sulat ang isang grade 1 student ng promissory note dahil sa isang unsettled account. Ang kanyang anak ay nag aaral sa Our Lady of Lourdes School of Novaliches. Ayon din sa post ni Clen Limpin, isang lingo bago ang Recognition Day ay inanunsiyo na kasama ang Grade 1 student sa mga awardee.

Di umano'y initusan ng school principal ang Grade 1 student na mag sulat ng promissory note na nag sasabing "I Promise To Pay My Tuition Fee Tomorrow". Sinunod naman ng batang estudyante ang principal at hindi nakasama ang bata sa listahan ng may award. Kuha ng mga screenshot ni Clen Limpin, ay sinasabing mag sasampa sila ng reklamo sa Department of Education (DepED) dahil sa ginawa ng school principal. Walang sinumang bata ang dapat makaranas nito! Ikaw, anong masasabi mo dito?

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan