Guro May Pa Float At Pizza Para Mamotivate Ang Kanyang Mga Estudyante Sa Exam



Kanya kanyang istilo ang mga guro upang ma-motivate ang kanilang mga estudyante sa klase. Sila rin mismo ay gumagawa ng paraan upang mas lalong makinig ang mga bata sa kanila at ganahang mag-aral.

Mayroon din ang mga nagbibigay ng munting reward sa kanilang mga estudyante para mas lalo pa silang magpursigi at mag-aral ng mabuti,

Katulad na lamang ng isang junior high school teacher na ito na nagtuturo sa Immaculate Conception Archdiocesan School (ICAS) sa Zamboanga na nagpakain ng kanyang mga estudyante sa mismong araw ng kanilang exam.

Nakilala ang guro bilang si Arnulfo Burlas Jr. o mas kilala sa tawag na Ser Jun. Ibinahagi niya ang post na ito sa kanyang Facebook account na agad namang nagviral.

Narito ang kanyang nilagay na caption,

"How to motivate your students during exam?"

Bago pa man matapos ang pagsusulit ng mga bata ay nakahanda na ang tatlong kahon ng pizza at mga coke float na nakalagay sa teacher's table ni Ser Jun na treat niya sa kanyang klase. 

Makikita ang pagiging seryoso at concentrated ng kanyang mga estudyante sa pagsagot sa kanilang exam. Dahil pagkatapos naman nito ay pagsasaluhan nila ang inihandang masarap na pagkain ng kanilang guro. 

Maraming netizens naman ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa post na ito at sinabi na sana lahat ay maka-experience ng ganito. Tiyak nga naman na nakakamotivate magsagot sa exam lalo na't kapag alam mo na may reward na pagkain sa huli. 

Samantala, kanya-kanyang tag ang mga netizens sa kanilang mga guro at kaibigan at narito ang ilang komento nila.

"Sana all."

"Ganito din nung grade 10 math, kung sino yung makaka solve ng tama, my prize na fruit salad. hahaha. sarap."

"Gaganahan talaga sila dito."

"Saang school yan? Lilipat na lang ako tuwing exam. Haha"

"Ang bait ni sir!"

Sa ngayon ay mayroong na itong 56k shares at 17k likes.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong 'Honesty Test' Sa Kanya

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation