Guro na Edad 22 Years Old Mula sa Bulacan, Napagkamalan na Estudyante din ng Paaralan




Maraming mga tao ang swerte dahil mukha silang bata kaysa sa kanilang edad. Ngunit, isang guro mula sa Bulacan ang hindi inakala na ganito ka grabe ang magiging kalalabasan ng mga mithiin ng ibang tao. Ang lalaki ay may edad 22 years old ngunit marami ang nagsasabi o nagaakala na ang kaniyang edad ay bata pa na napagkakamalan siya minsan na estudyante sa paaralan na kaniyang pinagtratrabahuaan.

Si Ian Francis Manga ay isang guro mula sa San Jose Del Monte Bulacan sa Pilipinas. Siya ay nagtuturo ng mga bata sa kindergarten at ikalawang baitang ngunit mukhang isa pa siya sa mga estudyante na nag-aaral sa nasabing paaralan. Kahit pa man siya ay may edad na 22 years old, mukhang grade 5 siya at mag-aaral imbis na teacher. Ayon kay Manga, noong siya ay bata ay marami siyang nararamdaman na marahil ito ang naging dahilan ng kaniyang paglaki. Mapapansin na pandal siya kumpara sa mga tao na kasing edad niya. 





Ngunit hindi dahil sa kaniyang tangkad ang pinapansin ng ibang tao ngunit si Manga ay mayroong baby face na mukha na mukhang mas bata kaysa sa isang teenager. Ang paglaki ni Manga ay hindi naging madali para sa kaniya ngunit wala naman daw masyado ang nagbully sa kaniya. Ayon sa kaniya, hindi siya na bully dahil isa siya sa mga pala kaibigan sa klase. Madali siyang makiasama sa ibang tao. Ngunit mayroon din daw mga pagkakataon na binubully siya ng mga hindi nakakakilala sa kaniya ngunit isinasawalang bahala lang niya ang mga ito. 

Bagamat bata man siyang tignan, ayon kay Manga sinisigurado niya na dinidisiplina niya ng maayos ang kaniyang mga estudyante. Kailangan daw niya minsan magseryoso at maghigpit dahil isa siyang guro. Hindi lang daw dapat puro laro sa klase ngunit kailangan din magseryoso. Tunay nga na pinatibay ni Manga ang kasabihan na size doesn’t matter! 

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya