Ilan sa mga Celebrity Couples na Ito na Matatag pa rin ang Relasyon at Pagmamahalan sa Isa't isa




Karamihan sa mga magpartner ngayon lalo na sa Showbiz industry ay nauuwi lamang sa hiwalayan dahil na sa iba’t ibang problema na dumadaan sa kanilang relasyon. Subalit may iilan pa rin na talaga namang solid ang relasyon at pinipili pa rin ang isa’t isa kahit ano mang problema ang ibato sa kanila. 

Ilang sa mga artista na ibabahagi namin ngayon ay mayroong matatag na relasyon at pagmamahal sa isa’t isa kaya nananatili silang strong sa kanilang relasyon!

Sino sino nga ba ang mga couple celebrities na ito?

1. Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger




Ang relasyon at pag iibigan nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ay nananatiling matatag kahit na marami nang beses napabalitaan na sila ay hiwalay na. Madalas silang makita sa Instagram na nag-uunfollow sa isa’t isa at ifo-follow ulit ang isa’t isa. Kaya naman isang bagay ang narealize ng Beauty Queen na dapat nilang gawing pribado ang kanilang relasyon. Nasa ikatlong taon na sila ngayon bilang magkasintahan.

2. Kathryn Bernardo at Daniel Padilla


Nagsimula sa pagiging loveteam at naging magka relasyon ang dalawang ito na hindi aakalain ng marami na magtatagal sila. Noon ay todo deny at hindi umaamin noon ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, ngayon ay hindi na mapigilan ni Kathryn at Daniel na magpakita ng appreciation post sa isa’t isa tuwing anniversary nila o kaya naman ay birthday ng isa. Hindi mo aakalain na halos 7 na taon na silang magkasintahan.

3. Alex Gonzaga at Mikee Morada




Ang Youtube Vlogger na si Alex Gonzaga ay hindi inakala na makakahanap ito ng boyfriend noong panahon na ikinasal ang kaniyang kapatid na si Toni Gonzaga. Subalit hindi niya alam na may darating palang mas better para sakanya na si Mikee Morada. Madalas na makita ngayon si Mikee sa mga vlogs ng aktres na talaga namang todo support ito at makikita na malambing siya kay Alex.

4. Jake Cuenca at Kylie Verzosa


Isa sa mga pinaka hottest couple ay sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa na talaga namang tinawag na couple goals ng mga netizens dahil na rin sa kanilang mga aesthetic Instagram posts. Madalas makita na magkasama ang dalawa habang nagbabakasyon at nagtatravel sa iba’t ibang lugar. Going strong ang dalawa at mapapansin na masaya sila sa isa’t isa.

5. Maja Salvador at Rambo Nuñez


Matapos magkahiwalay ng siyam na taon, nagkaroon ng second chance ang dalawa sa isa’t isa kung saan na-rekindle nila ang kanilang pag-iibigan. Ngayon ay makikita ang dalawa na matatag ang kanilang relasyon at madalas na nasa travel sina Maja at Rambo.


Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago