Isang Babae ang Nakaranas ng Amnesia Dahil sa Sobrang Pag-ire Habang Nagdudumi






Laging payo ng mga eksperto na kailangan nating panatilihing malusog at maayos ang ating pangangatawan dahil kadalasan ang maliit na sakit at nagdudulot ng malalalang problema lalo na kapag mahina ang resistensiya ng isang tao. 

Kamakailan lang nga ay isang balita ang kumalat at ikinabahala ng karamihan dahil isang babae di umano ang nagka-amnesia matapos nitong makaranas ng pananakit ng tiyan at hirap sa pagbabawas.


Ang nasabing kwento ay ibinahagi ng anak ng babae at sinabi sa report na halos dalawang lingo rin na nagrereklamo ang kaniyang ina sa sobrang sakit ng tyan at sama ng pakiramdam na dulot ng constipation.


Isang araw ay tumungo daw ito sa kanilang palikuran at paglabas ay nakaramdam ng ginhawa. Ngunit hindi nagtagal ay napansin ng bata maging ng iba pa nilang kasama sa bahay na tila iba na ang kinikilos ng kanilang ina. Hindi na rin nito maalala ang mga nagyari sa nakalipas na sampung taon!

Lubos na nag-alala ang mag-anak ngunit nang dalhin nila ang babae sa hospital para ipasuri ay wala naman daw problema sa kanyang utak at maayos naman ang lagay nito. Nagpatuloy ang nasabing amnesia ng babae hanggang sa dinala na siya ng kanyang pamilya sa isang neurologist, espesyalista sa utak. 


Isinawalat ng bata ang buong detalye ng nangyari bago pa man makalimot ang kaniyang ina. Base sa pagsusuri ng nasabing eksperto, nagkaroon ng hindi maayos na pagdaloy ng hangin sa utak ng pasyente dulot ng sobrang paggamit ng pwersa habang ito ay nagbabawas. 


Ayon pa sa report, ang ganitong kaso ay nangyayari rin sa mga taong nagiging sobrang emosyunal dahil sa isang pangyayari o di kaya naman ay mga tao na nagpupunta sa gym at bigla nalang nagbubuhat ng mabibigat na bagay.

Ang mga netizen ay lubos na nabahala sa nasabing balita ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan kung ang balitang ito ay totoong nangyari sa isang babae sa Hong Kong o isang kathang-isip lamang. Gayun pa man mas mainam na ring maging maingat sa ating mga kinikilos nang sa ganoon ay makaiwas tayo sa posibleng kapahamakan.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo