Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta




Isa sa pinakamasarap na gawin ay ang kumain ng kumain kaya naman naging patok ang negosyo na may kinalaman dito at kahit saanh sulok nga ay makakakita ka ng mga restaurant o kainan. Maraming tao ang kumakain sa labas ng bahay dahil para sa kanila ay mas mainam ito dahil iwas sa paghahanda ng pagkain at sa mga hugasan. Ngunit maaring magdulot din ng negatibong epekto sa ating katawan ang pagkain sa mga karenderya o di kaya naman ay sa mga fastfood chain at restaurant.


Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga balitang na food poison dahil sa pagkain sa isang restaurant o di kaya naman ay mga larawan ng pagkain na may mga insekto pa (paumanhin kung ikaw ay kumakain). 

Kamakailan nga ay isang babae ang napabalitang n(a)matay dahil di umano sa pagkain ng kangkong!


Ayon sa isang Facebook page na D'Provincial Pals, nakitaan di umaano ng linta sa loob ng tiyan ng bata. Dalawang araw na sumak!t ang tiyan ng bata at wala di umano itong ganang kumain kaya gatas na lamang ang pinaiinom sa kanya ng kanyang mga magulang ngunit isinusuka niya naman daw ito. Dahil hindi na alam ng mga magulang ang gagawin at walang epekto ang gamot na binibigay nila, isinugod na nila sa hospital ang bata. Ngunit huli na ang lahat at hindi na naagapan ang kalagayan ng bata.




Ayon pa sa pagsusuri ng mga doktor ay may nakitang mga linta sa loob ng tiyan ng bata na siyang dahilan ng kanyang pagkam(a)tay. Kumain daw ang mag-anak sa isang restaurant ng stir-fried kangkong isang gabi bago nagumpisang sumakit ang tiyan ng bata. Ito ang itinuturong dahil ng mga doktor sa pagkawala ng bata, dahil madalas di umanong pamahayan ng mga linta ang tangkay ng kangkong.




Dahil sa insidenteng ito ay mas lalo pang pinag-iingat ng mga doktor ang mga magulang sa pagbibigay ng pagkain sa kanilang anak at siguraduhing ito ay naluto ng maayos at malinis. Iwasan din umano ang madalas na pagkain sa labas upang makaiwas sa sak!t.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya