Isang Tatay Binigyan Ng Php9,500 Ang Kanyang Anak Na Naka 95% Average Na Grado


Sino ba naman ang may ayaw ng "reward" matapos mong gawin ang isang bagay na alam mong talagang pinaghirapan mo. Lahat ng tao ay pangarap na makagawa ng isang bagay na alam nilang maipagmamalaki nila ito at maipagmamalaki sila ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Para sa isang magulang, ang tagumpay ng anak ay para mo na ring tagumpay. Isang ama na nakilala bilang si Efren Maullon ay nagbahagi ng isang post sa kanyang Facebook account tungkol sa tagumpay na nakamit ng kanyang anak. 

Ang kanyang anak kasi na si James Russell Maullon na nasa senior high ay nakakuha ng mataas na grado noong first grading period sa kanilang paaralan sa Pasay City South High School. Makikita sa larawan na ibinahagi ng ama na pang number 1 o rank 1 ang kanyang anak dahil nakakuha ito ng 94.63 na average. 

Saad niya sa kanyang post, 

"At dahil 95 ang average mo, bigyan kita ng P9,500." 

Nagbiro pa ito sa dulo ng kanyang captaion na, 

"Huwag mong galingan masyado next grading, James Russel, naka mamulubi ako."

Dahil pinagsikapan naman talaga ng kanyang anak na masungkit ang grade na iyon kaya naman tinumbasan ng ama sa pamamagitan ng pagbigay ng reward sa kanyang anak. Katulad ng ibang mga magulang, dapat ay binibigyan rin ng pagpapahalaga ang mga tagumpay ng kanilang anak.

Minsan ang pagbibigay kasi ng incentive sa mga anak ay makakatulong upang ma-motivate sila na ipagpatuloy ang paggawa ng maganda. 

Samantala, naging usap usapan naman ang post na ito ni Efren sa social media. Biro pa ng iba na kahit pala line of 7 ang grado mo ay pwede kang makakuha ng P7,000. At ang ilan ay tinag pa ang kanilang mga magulang na sana ganito rin sila.

Talagang masarap sa pakiramdam na mabigyan ng reward lalo na kapag alam mong pinaghirapan mo ito. Ngunit tandaan lamang na hindi lang sana pera ang maging batayan upang ipagpatuloy ang pagsisikap sa pag-aaral. 

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre