Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago




Si Randy Santiago o Randy Gerard Legaspi Santiago sa totoong buhay ay nakilala sa industriya ng show business dahil sa galing nito sa pagkanta at pagpapatawa. Dahil nga dito ay nagsunod-sunod ang kaniyang mga proyekto at naging abala sa trabaho simula noong taong 1986 at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo parin siya sa napiling propesyon. Huli siyang napanood ng publiko sa palabas ng ABS-CBN na “La Luna Sangre” na pinagbibidahan ng aktres na si Kathryn Bernardo. 


Sa paglipas nga ng panahon ay maraming nagbago sa buhay ng aktor ngunit mayroong isang bagay ang kapansing-pansing ni minsan ay hindi nawala sa kaniya at ito ay ang kaniyang mga salamin sa mata. Marahil karamihan sa atin ay nagtataka kung bakit lagi siyang may suot na salamin. Ang ilan nga sa mga manonood ay inaakalang ito ay sadyang istilo lang ng aktor para maging kakaiba siya ngunit mayroon palang mas malalim na dahilan kung bakit niya ito ginagawa. 





Sa TV guesting na ginawa ni Randy sa ABS-CBN show na “Magandang Buhay” ay ibinahagi niya sa publiko ang kaniyang naging buhay bago siya naging artista. Isa sa mga naikwento niya ay ang totoong dahilan kung bakit kinakailangan niyang magsuot ng salamin sa araw-araw na paglabas sa telebisyon at pampublikong lugar. 


Ayon kay Randy, bata pa lang siya noong mapansing mayroong namumuong bukol sa kaniyang kaliwang mata. Sumailalim sa isang operasyon para mawala ito ngunit hindi kalaunan ay tumubo muli ang bukol. Nagdesisyon ang ina ni Randy na pa-operahan ulit ang anak para tuluyan ng mawala ang bukol sa kaniyang mata. Naging matagumpay ang operasyon at nawala na ng tuluyan ang bukol ngunit naapektuhan naman ang ilang ugat sa kaliwang mata ng aktor na siyang nagdulot para hindi niya ito maidilat ng maayos. 





Sa kabutihang palad ay nagkaroon ng mababait na kaklase si Randy habang siya ay nag-aaral at hindi naka-apekto sa kaniyang tiwala sa sarili ang pagkakaroon ng kakaibang mata. 

Ayon pa sa aktor, ang nasabing bukol na tumubo sa kaniyang mata ay hindi sintomas ng isang malalang sakit at sadya lamang ito lumitaw.
 

Patunay lang si Randy Santiago na hindi hadlang ang pagkakaroon ng kakaibang pisikal na katangian para maipakita mo ang iyong talento at makamit ang pangarap na matagal mo ng minimithi.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera