Jimuel Pacquio, Natanggap ang Pinaka unang Luxury Car na Galing kay Manny Pacquaio Bilang Regalo Sakanya




Talaga namang napakaswerte ng mga anak nina Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao dahil buhay mayaman ang mga ito. Mula sa mga mansion sa Pilipinas at sa ibang bansa, hanggang sa kanilang mga properties at mga mamahaling gamit, wala na atang mas sasarap pa sa buhay ng kanilang mga anak.


Subalit kahit na saksakan ng yaman ang Pamilyang Pacquiao, sila ay nananatili pa rin na humble at down to earth sa kanilang kapwa. Sa katunayan, napakarami na nilang natulungan na mga mahihirap dahil madalas silang mag-share ng kanilang blessings. Naranasan na kasi ni Manny ang buhay mahirap kaya hanggat kaya niyang tumulong ay inaabot niya lagi ang kaniyang kamay sa mga taong nangangailangan kaya naman mahal na mahal siya ng taong bayan.


Subalit alam niyo ba na kahit napakayaman na ng pamilyang Pacquiao ay marunong pa rin mag appreciate ng mga bagay bagay ang kanilang mga anak. Tulad nalang nang surpresahin ni Manny ang kaniyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao ng isang regalo.




Sa pamamagitan ng isang post ng Youtube Channel na “Team Sisson”, ibinahagi nito ang video kung saan makikita ang pure reaksyon ni Jimuel matapos niyang matanggap ang kaniyang regalo sa kaniyang Ama na Luxury car.




Ayon kay Jimuel, ito ang kaniyang first ever luxury car kaya naman tuwang tuwa ito sa kaniyang Ama dahil binigyan siya ng Corvette Stingray Luxury car.


Sinurpesa ni Pacquiao ang kaniyang anak dahil alam nito kung gaano naghirap ang binata sa kaniyang mga laban at training. Natuwa umano si Manny kay Jimuel dahil napakabuti at mapagmahal siyang anak sa kaniyang magulang. Dahil na rin sa mga achievements na nagampanan ni Jimuel ngayong taon, niregaluhan siya ni Manny upang maiparamdam sa anak na proud ito sa lahat ng kaniyang achievements.


Galak na galak si Jimuel sa kaniyang regalo kaya hindi nito napigilan na paandarin at patakbuhin ang luxury car sa loob ng kanilang subdivision.

Umani ng napakaraming reaksyon sa mga netizens ang video clip ni Jimuel na kung saan makikita mo sakanyang mukha na masayang masaya ito at na-appreciate niya ang regalo ng kaniyang Ama.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!