Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan





Kamakailan lang ay napabalitang nagbukas na nga ang Banwa Private Island Resort na makikita sa norteng bahagi ng Palawan at tinagurian itong pinakamahal na resort sa buong mundo dahil sa tumataginting na $100,000 o humigi't kumulang 5.2 milyon pesos ang kailangan mong bayaran sa loob lamang ng isang gabing pananatili sa lugar! 

Nakakalula diba? Ganoon pa man hindi pinalagpas ng host at events director na si Tim Yap ang pagkakataon na maging isa sa mga unang bisita nang nasabing pribadong resort.


"Happy to be one of the first guests of this most extra island resort. The entire place, all to ourselves. #exclusivelyyours #banwa.", caption ni Tim Yap sa kaniyang Instagram post.


Naging usap-usapan sa social media ang mga larawang ibinahagi ni Tim sa kanyang Instagram account kung saan kitang-kita na nag-enjoy siya sa kaniyang "weekend getaway" sa Banwa Private Island Resort kasama ang kaniyang partner na si Javi Marquez. Kasama rin ng host sa nasabing bakasyon ang ilan niyang kaibigan mula sa ibang sa ibang bansa.


Sa panonood ng mga Instagram stories ng host ay para ka na ring nakarating sa lugar dahil ipinapakita niya rito ang ilan sa mga detalye ng Banwa Resort mula sa mga pagkaing inihahain sa kanila hanggang sa disenyo ng kanilang kwarto.


Namalagi ang host sa isang villa na mayroong beachfront view at malapit sa golf course. Ipinakita rin ni Tim Yap ang ilan sa kanilang pamamasyal sa lugar kagaya na lamang ng sunset cruise kasama ang kaniyang partner at mga kaibigan. Hindi rin niya pinalagpas na masubukan ang mga water activities sa resort at masayang nag-snorkeling at jetski.


Ayon pa sa mga ibinahaging detalye ng host, halos lahat ng mga pagkain sa lugar ay fresh mula sa malawak na dagat na nakapaligid sa isla at sa organic farm na makikita rin sa nasabing resort. Maliban dito ibinahagi rin ni Tim Yap na kinailangan nilang sumakay ng helicopter para marating ang pribadong island resort.


Talaga namang napakaganda ng lugar at gugustuhin mong makapunta dito kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na maiinggit sa host. Kaugnay nito may ilan ding nagtatanong kung sponsored ba ang "weekend getaway" ni Tim Yap o hindi? Ikaw ano sa palagay mo?

Comments

Popular posts from this blog

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo