Kilalanin ang Ilan sa mga Celebrity Couples na Naghiwalay Ngunit Naging Magkaibigan Din sa Huli




Karamihan sa mga magka-love team sa mundo ng showbiz ay nagiging magkasintahan dahil na rin madalas silang magkasama habang gumagawa ng mga pelikula. Ngunit ilan sa mga relasyong ito ay nauuwi sa hiwalayan na talaga namang ikinalulungkot ng kanilang mga fans. Ganoon pa man, pinatunayan ng mga artistang ito ang katagang "time heals all wounds" at naging magkaibigan pa rin kahit na naudlot ang kanilang pag-iibigan. 

Narito ang ilan sa kanila: 

1. Mark Herras & Jennelyn Mercado 




Parehong sumali sina Mark at Jennelyn sa reality talent competition show ng GMA 7 na Starstruck noong October 2003. Sila ang kauna-unahang winner ng nasabing talent show at madalas rin silang magtambal sa mga ginagawa nilang proyekto. Dito nag-umpisang umusbong ang kanilang relasyon hanggang sila ay maging magkasintahan ngunit noong taong 2006 ay naging usap-usapan ang kanilang hiwalayan. Sa kabila nito ay naging magkaibigan pa rin ang dalawa at ayon nga kay Mark Herras, nagdadamayan pa rin sila ni Jennelyn sa mga problema na kanilang hinaharap. 

2. Sam Milby & Anne Curtis



 

Naging magkasintahan sina Sam at Anne sa loob ng halos apat na taon ngunit nagdesisyon ang aktor na tapusin ang kanilang relasyon dahil sa kagustuhan nitong mas mapalapit sa Diyos. Naging masakit para kay Anne ang nasabing hiwalayan ngunit naunawaan niya di umano ang desisyon ng aktor dahil pinagdaanan niya rin ang ganoong bagay. 

Makalipas ang pitong taon ng kanilang paghihiwalay ay naging guest si Anne Curtis sa 10th Anniversary ng showbiz career ni Sam Milby. Ito ay patunay lamang na naging maayos ang kanilang relasyon bilang magkaibigan matapos ang hiwalayan bilang magkasintahan. 

3. Derek Ramsey & Solenn Heusaff 


Naging magkasintahan ang dalawa noong taong 2002 ngunit makalipas ang halos apat na taon ay nagdesisyon si Derek na tapusin ang kaniyang relasyon sa aktres. Lubos na naapektuhan ang aktor sa ginawa niyang desisyon at sinabi sa isang interview na " Parang nakipag-break ako, and in the process I broke my heart." 

Ganoon pa man, makalipas ang ilang taon ay naging magkaibigan parin ang dalawa kahit ikinasal na si Solenn sa kaniyang boyfriend sa loob ng apat na taon na si Nico Bolzico isang Argentinian businessman. 

4. Richard Gomez & Dawn Zulueta 


Ang tambalang "CharDawn" ay talaga namang naging patok sa masa simula noong taong 1991 at ito rin ang naging simula ng kanilang pagiging magkasintahan habang ginagawa ang pelikulang "Hihintayin Kita Sa Langit". Ngunit matapos ang dalawang taon ay naghiwalay rin ang dalawa sa hindi na ipinaliwanag na dahilan. 

Nagkaroon sila ng pagkakataon na magtambal muli sa isang pelikula noong 2004 na Forever in My Heart at simula noon ay madalas na ulit makita ang tambalan nila sa iba't ibang pelikula.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira