Kilalanin ang Napaka-Cute na Baby Girl ni Buboy Villar!




Si Buboy Villar o Robert Villar Jr. ay unang nakilala ng publiko nang sumali ito sa patimpalak ng ABS-CBN na Little Big Star. Matapos nito ay nabigyan siya ng role sa 'Dyesebel' noong 2008 at simula noon ay napasama na sa mga bigating pelikula kagaya na lamang ng Supahpapalicious, Shake Rattle & Roll X at Ang Panday. Maliban dito ay nakasama niya rin ang ilang batikang actor sa mga drama sa telebisyon kagaya ng Darna at Panday Kids.

Sa kasalukuyan ay dalawampung taong gulang na si Buboy at mayroong isang anak na babae sa kanyang asawa na si Angillyn Serrano Gorens, isang Amerikana. Naging magkasintahan ang dalawa noong April 2016 at makalipas ang mahigit isang taon ay nagsama na sila sa iisang bubong matapos payagan ng kani-kanilang mga magulang. Dahil sa pagsasamang ito ay nagkaroon sila ng anak sa murang edad kaya naman hindi maiiwasang may mga tao na humusga sa kanilang relasyon



.

Gayunpaman, ipinakita ng mag-asawang Buboy at Angillyn na kahit bata pa sila ay kaya na nilang panindigan ang pagiging mga magulang.




Ipinanganak ang batang sanggol noong September 1, 2017 at pinangalanan nila itong Vlanz Karollyn. Lubos ang kasiyahan ng mag-asawa sa kanilang anghel kaya naman ibinalita agad nila ito sa kanilang mga fans sa social media at karamihan sa mga netizens ay nagsabing kamukha ni Buboy ang sanggol. Ipinagdiwang ng mag-asawa ang unang kaarawan ni Karollyn at binigyan nila ito ng “Underwater Birthday Party” na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.


“Sobra kaming bless ng mommy mo nang dumating ka sa buhay naming. Ikaw ang bumuo ng lahat anak ko. Anak ko lumaki ka na may takot sa Diyos at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni papa”, mga salitang ibinahagi ni Buboy sa kanyang Instagram account kasama ang ilang larawan mula sa photoshoot ni Karollyn.



Marami man ang pagsubok na pinagdaanan ng mag-asawa ay hindi nila iniwan ang isa’t-isa kaya naman unti-unti na nilang naabot ang kanilang mga pangarap. Mayroon na silang sariling bahay at nagpaplano ding magkaroon ng negosyong bakery. Tunay ngang naging huwaran si Buboy sa mga kabataan na kahit nagkaroon ng anak sa murang edad ay ginawa ang lahat para maging isang responsableng ama.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya