Korean Student, Nagtapos ng Kursong Filipino sa Busan University of Foreign Studies




Dahil sa bilis ng pag sikat ng mga Korean TV shows, pelikula, at mga kanta sa buong Asya, lalo na sa ating bansa, hindi bihira sa maraming mga netizens ang nag hahangad na sana ay nakakapag salita at nakakapag sulat ng Korean language. Sa katunayan, maraming mga Filipino na ang may alam kung paano bigkasin ang ibang mga Korean na mga salita dahil sa kapapa nuod ng mga Kdrama at pag sunod sa mga kilala at sikat na mga Korean artists sa kanilang mga shows. 

Ngunit isang Korean ang nag viral dahil ito ay nakapag tapos ng Bachelor of Arts in Foreign Studies, Major in Filipino! Kaya naman maraming mga netizens ang hindi makapaniwala sa kanyang nakamit. Sa Facebook page ni Jovy M. Peregrino, isang propesor mula sa University of the Philippines (UP), nag share ito ng larawan ni Kim Jeeyoon at binati niya ito dahil natapos niya ang kanyang kurso sa Busan University of Foreign Studies. Walang sidhing kasiyahan ang nadama ng propesor dahil siya ay isa ring Filipino major. 





Namangha din ito na may isang foreigner ang kumuha ng kurso ni Filipino at hindi bilang isang elective subject sa kolehiyo ngunit isang major. Nag viral ang post ni Peregrino at maraming mga Pinoy ang humanga sa Koreanang dalaga dahil sa pag ka interesado nyang kumuha ng isang Filipino kurso at sa pag pursigi nitong aralin ang wikang Filipino.

Hindi kasama ang wikang Filipino sa top 25 na pinaka tanyag na lengwahe sa buong mundo ayon sa bilang ng mga taong kaya itong salitain, nakaka mangha na si Jeeyon ay pumili ng kursong Filipino. Ang Busan University of Foreign Studies ay nag aalok ng iba't ibang language courses sa tatlong mag kakaibang departamento. Ito ay ang College of Occidental Studies, the College of Oriental Studies, and the College of English, Japanese, at Chinese.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya