Laking Gulat Ng Isang Netizens Matapos Makita Ang Kanilang Pusa Na Nakaupo Sa Inidoro



Isang rason kung bakit ang ibang tao ay ayaw nilang mag-alaga ng mga hayop sa bahay ay dahil ayaw nila ng may inaalagan. Dahil kapag ikaw ay nag-alaga ng hayop, obligasyon mo na pakainin, linisin ang pinagdumihan at at alamin din ang ibang kailangan nito para mabuhay. 

Ang iba pa ngang tao ay itinuturing ang kanilang alagang hayop na parang baby. Minsan ay ininasama pa sa tulugan at sa lakaran. Pero para sa ilan, ayaw na ayaw nila sa hayop dahil unang una, ayaw nila na nagdudumi ito sa loob ng bahay.

Ngunit isang netizen ang nagulat dahil nakita niya ang kanilang pusa na nakaupo sa inidoro.

Ibinahagi ng netizen na nakilala bilang si Nyx Delabahan sa kanyang Facebook post ang video ng kanilang pusa na nakaupo sa inidoro sa kanilang palikuran. 

Laking gulat niya dahil hindi naman ito karaniwan sa mga hayop tulad ng pusa at sabay na inilagay sa caption:

"Umuwi ako sa province namin sa Gumaca Quezon. Then nakita ko sa c.r si miming puninay, pet ni mader. So vinideohan ko siya, laking gulat ko sa ginawa niya."

Namangha siya sa alagang pusa ng kanyang ina at saka nilagyan pa ng hashtag na "#MyManners."

Ang pusa kasi ay makikitang nakaupo sa inidoro habang naglalabas ang dumi. Kaya naman noong vinideohan niya ito ay gulat na gulat siya habang maririnig na tinatawag niya ang kanyang ina. 

Samantala, ang nasabing post ay umani na ng 32k shares at 35k reactions sa Facebook. At mayroong ilang netizens na nagtatanong at nagtataka kung paano nila naturuan ng ganito ang kanilang pusa. Narito ang ilang komento ng mga netizens.

"Good job pusa"

"Dapat ganito din yung pusa sa amin e."

"Sana all. hahaha."

"Wow naman miming, proud ako sayo. Sana katulad mo din yung pershan ko."

"Buti pa si miming alam kung saan jejebs."

Narito at panuorin ang nakakamanghang video.


Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap